Kabanata 2

5.4K 148 29
                                    

Kabanata 2

Kinabukasan...

Ehdrey's Point of View

"Babe, tawagan mo agad ako ha kung sumama ulit 'yong pakiramdam mo? Pupuntahan agad kita sa office mo," pagpapaalala ko sa kanya habang inaayos 'yong butones ng polo niya.

Papasok na kasi siya ngayon sa trabaho.

"Yes, Babe. I'll call you agad kapag nangyari 'yon." Tumango-tango lang ako.

Hanggang sa lumabas na kami at hinatid ko na siya sa kotse niya.

"I have to go now. Mag-iingat ka rito, ha? 'Wag kang magpapagod," bilin niya kaya agad akong tumango. "See you later. I love you."

"I love you too, Babe. Bye!" Kumaway nalang ako sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na ngang nakalayo ang sasakyan niya bigla nalang akong napapikit ng mariin.

Ngayon naman kasi, kailangan ko nang magbihis para puntahan si Darren sa bahay niya. Araw-araw pinupuntahan ko siya roon nang hindi ko pinapaalam kay Zyren.

*****

Nang makarating ako rito bumungad sa akin ang mga nagkalat na basag na bote ng alak, halo-halong mga pagkain na nagtapon sa lamesa, mga damit niyang kung saan-saan nakasampay at lahat nang 'yon nilinis ko isa-isa mula sa kusina hanggang sa sala.

Nang biglang may bumaba na dalawang babae mula sa itaas kung kaya't nagkatinginan lang kami ng mga ito.

Nagbulungan sila pero hindi ko nalang pinansin 'yon.

Nang tuluyan silang makaalis agad naman akong umakyat sa taas para tignan sa kuwarto niya si Darren bitbit ang breakfast na niluto ko para sa kanya. Nakasilip lang ako ngayon sa pintuan ng kuwarto niya na bahagyang nakabukas.

Nakita kong nakahiga lang siya ro'n sa kama niya habang nakatakip ng mata gamit ang isang braso niya. Wala siyang damit pang itaas pero nakapantalon at nakasapatos siya.

Halos araw-araw ganito nalang ang buhay niya. Iba-ibang babae ang pumupunta sa kanya rito. Inaaksaya niya ang oras sa mga walang kabuluhang bagay. Araw-araw pa siyang umiinom.

Habang nakahiga siya pumasok na ako rito sa loob at nilagay ko na ang pagkain niya sa lamesa. Nagsimula na rin akong maglinis.

Kalahating araw ang tinatagal ko rito para lang maasikaso siya. Palagi kong dinadasal sa tuwing pumupunta ako rito na sana, bumalik na siya sa dati at balikan na rin siya ni Sophia para hindi na siya nagkakaganito.

Nang bigla ko nalang siyang marinig na humikbi kaya bigla nalang akong napahinto sa ginagawa ko.

Sandali akong napatitig sa kanya hanggang sa mapagpasyahan kong lapitan siya at tabihan. Umupo ako sa kama.

"Buddy..." sambit ko ngunit hindi man lang niya ako nagawang sagutin. Nananatili lang siyang gano'n.

Napalalim ako ng hininga. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Pagkatingin ko sa kanya nakatitig na pala siya sa akin ngayon. Magkatitigan lang kaming dalawa.

Halata sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan. Naramdaman ko ang mas mahigpit niyang hawak sa akin.

"Why these things happen to me?" seryoso niyang tanong na halos araw-araw sinasagot ko naman siya sa mga pinaniniwalaan ko.

"Naniniwala akong babalik siya, Buddy. Babalikan ka rin ni Sophia."

Matapos kong sabihin 'yon agad niyang nilihis ang tingin sa akin.

"Pero bakit hindi nalang ikaw?"

Tumayo na agad ako matapos niya ring sabihin sa akin 'yon. Inasikaso ko nalang iyong mga pagkain para makakain na siya. Hindi ko siya sinagot.

"Kumain ka na habang mainit pa itong breakfast mo," mahinahon kong salita.

Nang bigla nalang din siyang tumayo at niyakap niya ako. Napatingin ako sa kawalan habang nananatili lang akong nakatalikod sa kanya.

"Sa ngayon, ikaw ang gusto ko."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko matapos niyang sabihin sa akin 'yon. Hindi ko na lamang siya kinibo.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon