Kabanata 19

4.3K 155 105
                                    

Kabanata 19

Nandito ngayon si Zyren sa kuwarto ko matapos niyang makainom ng gamot kanina. Nakahiga siya sa kama ko dahil nakatulog na naman siya. Pinagmamasdan ko lang ngayon ang mukha niya at hinahaplos ko na rin ito.

Kung puwede lang sanang ipaalala ko sa 'yo lahat ng biglaan, ginawa ko na. Pero ayokong nakikita kang nasasaktan katulad nito ngayon. Mahal pa rin kita Zy pero mas pipiliin ko nalang na ako ang masaktan kaysa nakikita kang nagkakaganyan.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko rin 'yon.

Miss na miss na kita, Chocolate.

Nang bigla akong dinalaw ng antok kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. Inunan ko ang kamay niya at natulog akong nakaupo sa tabi niya.






Jake's Point of View

Sinarado na namin 'yong pintuan ng kuwarto ni ma'am Sophia nang makita naming pareho silang natutulog ni sir Zyren.

"Jake..." Nilingon ko ang Tatay ni ma'am Sophia nang tawagin niya ako.

Magkakilala naman kami dahil madalas kami noong nagkikita sa bahay ni sir Zyren nung mga panahong doon pa sila nakatira at comatose pa no'n si Sir.

"Po?" Magkatapat kami sa upuan habang sina Cassie at Nanay ni ma'am Sophia nasa kusina at nagluluto.

"Kumusta na ang mga kaibigan ng anak ko sa Pilipinas? Lalo na sina Ehdrey at Darren?" tanong niya pero hindi agad ako nakasagot.

"Ahm, sina ma'am Ehdrey at sir Darren po?" Tumango siya.

Samantala napalihis naman ako ng tingin. Actually, kanina pa kami nag-uusap pero ito na yata 'yong tanong niya na pinakamahirap sagutin.







Zyren's Point of View

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto nang magising ako. Malaking orasan ang bumungad sa akin kaya nakita ko ang oras sa mga oras na 'to ngayon. Alas diyes na pala ng gabi. Masyado yatang napatagal 'yong tulog ko.

Naalala kong nasa bahay nga pala ako ni Sophie kanina.

Nang mapatingin naman ako sa gawing kanan ko, nagulat ako nang makita ko siyang natutulog rito sa tabi ko habang nakaupo siya sa upuan habang nakahawak sa kamay ko.

Sino ka ba talaga Sophie Zamora? Napatitig ako sa kanya.

Hanggang sa hinaplos ko ang mukha niya gamit ang kaliwa kong kamay. Nakangiti na ako ngayon habang hinahawi ko ang buhok niya.

Nang mapatitig naman ako sa labi niya bigla kong naalala 'yong pangyayari sa amin kagabi nang mahagkan ko siya. 

Napabuntong hininga ako sabay pikit ng mga mata. Umayos ako sa pagkakahiga. Dinilat ko ang mga mata ko. Nakatingin lang ako ngayon sa kisame nang bigla kong maisip si Ehdrey.

Babe, I'm sorry, I did something wrong. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko sinasadya. Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko 'yon kay Sophie.

Nakokonsensya ako kaya naisipan ko nang bumangon. Dahan-dahan kong inalis 'yong kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Sophie.

Nang makabangon ako minabuti ko siyang buhatin at ilagay sa kama niya. Kinumutan ko siya.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakangiti na naman ako ngayon habang pinagmamasdan ko siya. Hinaplos ko ang mukha niya. Marahan kong hinalikan ang kamay niya.

I'm very sorry for what I have done to you miss Sophie. Mukhang nagugulo na kita kaya titigilan ko na.

Tinalikuran ko na siya nang mapansin kong may nakalapag na dalawang kakaibang notebook sa lamesa niya kaya nilapitan ko 'yon. Isang diary pala at isang album. Pero nabitiwan ko 'yon nang gumalaw si Sophie. Binalikan ko siya ng tingin. Akala ko magigising siya.

Minabuti ko nang bitiwan 'yong dalawang notebook na 'yon at lumabas na ako ng tuluyan sa kuwarto niya.

Nang sa paglabas ko nagkakainan na ng hapunan ang pamilya ni Sophie kasama si Jake. Pero mukhang wala na rito si Cassie. Baka umuwi na siya. Niyaya nila akong kumain.

"Sir, 'wag na po kayong tumanggi baka kasi hindi tayo palabasin dito, e," sabi ni Jake kaya natawa ako ng bahagya at hindi na ako tumanggi pa.

Habang nagkakainan kami nagkakasiyahan sila. Nakikisali rin naman ako pero hindi ko kasi maiwasang hindi pa rin maisip si Sophie. Hanggang sa napabuntong hininga ako.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon