Kabanata 4

250 7 1
                                    


~*~

Mortem Claveria

"May laban pa tayong hindi natatagpos,  Ayen!" sigaw niya at umasinta sa 'kin.

Nakikita ko ng malinaw ang pinatutunguhan ng kanyang mga atake kung kaya't nagagawa ko iyong salagin sa loob ng saglit na oportunidad na nakikita ko.


Pinaka ayaw niya ang matalo sa di malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing nagkikita kami ay palagi siyang naghahamon ng laban.

Nahagip ng mata ko ang pagbaling ng kanyang mata sa'king mukha.

Alin sa braso, kamay, binti at paa ang una niyang gagamitin sa pagbuwelo ng atake?

Sinubukan kong tingnan kung alin sa apat na iyon ang una niyang igagalaw, ngunit mukhang napansin niyang nagmamasid ako sa mga kilos niya kung kaya't ibinuwelo niya ang kanyang kanang braso paatras pati ang kanyang kanang paa na paurong niyang isinayad sa lupa nang magkasabay.

Nalintikan na!

Pasugod niyang sinuong ang mukha ko gamit ang kanyang sibat. Agad akong lumiyad nang makita iyon, hindi dahil sa wala akong maisip na ibang paraan para salagin iyon kung hindi iyon lamang ang nagawang gawin ng katawan ko na hindi na nabigyan pa ng oras para makapag-isip.


Nang naiwasan ko na ang sibat ay itinukod ko sa lupa ang dalawa kong braso at ginamit iyon upang ilipat doon ang bigat ng katawan ko, dahilan para gumaan ang aking paanan at aking magamit upang sipain pataas si Claudio.


Tumilapon siya palayo sa 'min. Ang mga taong naririto ay nanonood lamang na animo'y ang nangyayari ay katulad sa isang palabas. Marahil ay dahil sanay na silang makita kaming dalawa ni Claudio na naglalaban ay naging normal na lamang sa kanila ito.


Nang mapansin nilang mukhang tapos na ang laban ay umalingawngaw ang masigabong palakpakan.

Sa tingin ko'y masyadong nagpalakas si Claudio na umabot na sa puntong kailangan ko na ring mag-ingat sa mga galaw niya sa tuwing magsasangga ang mga Arma namin.

"Sa susunod, di lang galos ang aabutin mo," ani Claudio na naglalakad papalapit sa'min habang hinahagod ang kanyang sikmura na sinipa ko kanina, "Ngapala, sa anong dahilan at napunta kayo rito?"

"Kailangan namin kayong makausap, ng tayo-tayo lamang," saad ko habang nililinga ang mga nakatinging tao sa paligid namin.

Naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin kaya nagsibalik na sila sa kani-kanilang trabaho.


"Tumuloy kayo sa tolda." naunang pumasok si Claudio at inanyayahan kami sa loob.

Naabutan namin si Apo na nakaupo sa isang banig na nasa sulok at nagnganganga.


Malaki-laki rin ang itinanda ni Apo mula noong huli ko siyang makita.


Ang mahaba niyang buhok ay lalo pang humaba kasabay ng kanyang balbas. Ang noo'y itim na kulay ng mga iyon ay kulay pilak na ngayon. Mababakas rin sa kanyang mukha at katawan ang kapayatan, ngunit hindi pa rin nawawala ang presensya ng lakas sa kanyang mga mata.

Naunang lumapit si Jack at humalik sa kamay ni Apo.

"Pagpalain ka..nawa, binata," wika sa kaniya ni Apo at saka iniluwa ang nganga.

Sumunod ako sa kanya at gano'n din ang ginawa, pagkatapos ay saka kami pinaupo sa mga lupon ng dayaming nagsisilbing sapin nila sa maduming sahig.

Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon