Kabanata 37

151 3 0
                                    


~*~

Hara Diwa

"C-Corazon.."

Sa dinami-dami ng Sundo na maaaring magligtas sa aking nasasakupan at sa angkan, bakit siya pa?

Ngayon pang sinusubukan kong tapusin ang angkan nila at inuuna ang anak niya..



Natawa na lamang ako ng mahina. Hindi ko na kailangan ng aking dignidad kung kapalit naman ng pagkakaroon nito ay isang hangal.



Maaaring ginagawa niya lamang ang pagligtas sa akin upang makuha ang loob ko, ngunit sa huli'y wala rin akong ibang magagawa kundi magtiwala pa rin sa kanila sa kabila ng hidwaan ng aming mga angkan.




Nakatitigan ko sa mata ang nilalang. Nakaamba na ito sa akin at anumang oras ay tatama na ito sa akin.


Natatabunan ng kung ano-ano ang aking mga binti ngunit sa kabila noon ay nararamdaman ko pa rin ang pangangatog ng aking mga tuhod.


Nakakatakot.



Isa akong hibang upang umasang darating ang aking irog upang iligtas ako sa mga ito. Alam ko naman na noong una pa lamang na ang layunin ng aming kasal ay palawakin ang nasasakupan ng Rajah at wala siyang nararamdaman para sa akin..


Ngunit, sa kabila noon, hindi ko pa rin maiwasang mahulog ang aking loob sa kaniya.



Nais ko nang isuko ang aking buhay na tila walang katuturan, ngunit ngayong alam kong buhay ang aking mga tao, wala na akong dahilan upang mamatay dito.




Humigpit ang aking hawak sa aking Arma na hindi ko pa rin nabibitawan. Hinaplos-haplos ko ang mga ukit noon, dahilan upang umilaw iyon.



Sa totoo lamang ay madali kong magagamot ang aking sarili kung hindi ang suyod na ito ang aking Arma. May isang beses na hiniling ko sa aking mga tauhan na dalhin sa akin ang nag-iisang Armang karayom, ngunit sinabi lamang nila sa akin na mayroon na raw nakakuha ng Especia na iyon.



Inisip ko na lamang na may silbi rin ang aking Arma na ito kapag kailangan ko ng kausap sa mga panahong ako'y nangungulila dahil wala ang Rajah sa aking tabi.




Nilamon na lamang bigla ng kadiliman ang buong kalupaan. Mula roon, umusbong ang makakapal at matutulis na hibla ng buhok. Patuloy itong umaangat sa ere at nabubuo na tila ba rehas ng isang hawla.




Nag-ugnay ang mga ito sa tuktok at naging isang makapal at matulis na hibla ng buhok. Lihim ko itong sinenyasan upang bumagsak.. ngunit..



"Bakit ka huminto?" tanong niya.

"Ikaw ang nararapat kong tinatanong niyan." sagot ko sa kaniya.



Sa isang iglap, bumalik siya sa kaniyang anyo bilang Sundo. Bumalik din sa aking suyod ang kadiliman at buhok na inilabas nito.




Hindi pa rin natitinag ang kaniyang nanghahamak na tingin, hindi ko tuloy maiwasang maalala ang aking sarili sa kaniya dahil doon..



Ang kaniyang mga mata'y puno ng masidhing pagnanais na maghiganti.


"Ni hindi ka nga ganoon kahalaga upang magkaroon ng dignidad na mamatay sa aking mga kamay," wika niya.




Halaga, huh?



Walang anu-ano'y bumukas muli ang dimensiyon kung saan pumasok ang anak ni Corazon at ang mga kasama nito kanina.





Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon