Kabanata 43

146 2 0
                                    


~*~

"Bakit ba halos lahat na lamang ng angkan na naririto sa Kahanginan ay galit sa atin?" wika ni Khalil habang maingat na ipinagpapatong-patong ang mga halimaw.

"Hik!"

"Abbara, tumulong ka nga!"

"Sige..hik!"

Tumayo naman si Abbara at nagsimula na ring magpulot. "Hik!.. Sumasakit ang ulo ko.."

"Kakainom mo iyan. Hindi ka magtigil sa pag-inom." saway sa kaniya ni Khalil.

"Hoy..hik!" dinuro-duro ni Abbara si Khalil. "Huwag mo akong maliitin.. hik! Hindi kailanman sasakit ang ulo ko sa pag-inom..hik!"


"Talaga? Ano naman ang idadahilan mo ngayon kung bakit masakit ang ulo mo?" tanong pa nito.


"Hik! Ahehe.. narindi ako sa tunog na narinig natin kanina. Hik! Sa tingin mo, isa ba iyong instrumento sa pagtugtog.. hik! Kasi kung oo.. ang pangit ng tunog!"


"Hindi iyon instrumento sa pagtugtog, sigurado ako. Sabi nga ng ating pinuno, sa sandaling tumunog ang tunog na iyon ay sumalakay na ang mga halimaw na nanggaling sa kung saan." pahayag ni Khalil. "Ang tunog ay nanggagaling pa naman sa Biringan."


"Hindi maaari iyon! Ilang siglo na nating sinusuyod ang Biringan upang gumawa ng paghahanda.. hik! Kahit ang dalawang diyos na nakasalubong natin doon ay walang dala-dalang kung ano na maaaring ihipan..hik! Ahh.. ang saya ko ngayong nakauwi na ako sa Kahanginan.."


Nakalimutan na naman ni Abbara na kailangan niyang magpulot ng mga katawan. Akmang sasalampak na siya sa tabi ng tumpok ng mga ito at nagsimulang lumagok sa kaniyang bumbong nang may maupuan siyang kung anong bagay na matigas.


"Eh? Hik!" Bumaling siya sa lupa at nakita ang isang ulo. Hinatak niya ito sa buhok upang mas maaninag kung ano ito.


Halos wala na itong balat at kitang- kita na ang loob nito na inuuod. Napangiwi na lamang si Abbara sa nakita.

Pakiramdam niyang mag-iiba ang lasa ng lambanog sa kaniyang nakita. Akmang itatapon na niya ito sa tumpok nang siya'y matigilan. Nasulyapan niya ang iilang mahaba at kulay pilak na buhok na natira sa anit ng ulo maging ang balbas nito.


"Hik!" Pinaningkitan niya ito ng mata dahil tila ba nakita na niya ito noon pa.
Walang anu-ano'y naibalibag niya kay Khalil ang ulo.


"Aray! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" bulyaw sa kaniya ni Khalil.

"EHHHHHHHHH.. HIK!.. EHHHHHHH! Tingnan mo iyang ulo na iyan! Hik!"
nahihintakutang bulalas ni Abbara habang itinuturo-turo ang ulo.

Nataranta namang tumakbo palapit sa kaniya ang iba pa nilang kasama upang tingnan ang nangyayari.

"May problema ba, Abbara?"

"Ayos ka lang ba, Binibining Abbara?"

Tinadtad nila ito ng mga tanong ngunit isang turo lamang ang isinagot sa kanila ni Abbara. Sinundan naman nila ng tingin si Khalil na siyang itinuturo nito.

Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon