Kabanata 50

105 2 0
                                    


~*~

Ruela Valderama

"S-S..."

"Sino naman kayo?!" bulalas ko.

"Huwag kang maingay. Ang sakit sa tainga ng boses mo." rinig kong tugon ni bansot.


"Maghuyop?!" di-makapaniwalang tanong ng lalaking nagwika ng mawalang galang kanina. "Anong ginagawa mo rito? Teka, kung nandito ka, ibig sabihin.. nandito rin si Ayen?"




"Dalugdog." sa isang simpleng tawag sa pangalan ng lalaki ay natahimik ito. Tumingin sa akin ang babaeng iyon.





Hindi ko alam kung bakit pero magkahawig sila ni Ayen mula ulo hanggang paa. Included doon ang facial expression at ang hairstyle.



"Kilala mo sila, bansot?" tanong ko.



"Sila ang buong angkan namin." sagot niya.


"Ah ka-angkan, ang laki ng pamilya ninyo— wait, sinabi mo bang ka-angkan?" siniguro kong hindi ako nagkakamali ng dinig.


Isang tango ang naramdaman ko mula sa aking likuran."Ngunit duda akong ka-angkan ang tingin nila sa amin ni Ayen."



E-eh?


"Ugh, panibagong sakit sa ulo." wika ni Maria na unti-unting ibinababa ng kaniyang mga sinulid sa lupa.




"Huwag kang mag-alala. Wawasakin na naman ang lugar na ito upang hindi ka na magkaroon pa ng sakit sa ulo." patutsada naman ng babae.




"Oh? Labis na bang lumaki ang inyong ulo dahil lamang sa nagawa ninyong iwasan ang pagkakahimbing? Paumanhin, ngunit hindi mo ako madadaan sa sindak, pagkat higit na mas mataas sa ilang beses ang aking kapangyarihan laban sa inyo." mukhang na-offend si Maria.



Lumapit naman kay Maria ang mga tao.


Teka, bakit ni isa sa mga ito ay walang galos? Ginawa ba sila bilang mga golem?





"Lubos na kinasusuklaman ninyong mga Sundo ang imortalidad ng mga nabubuhay sa mundo bukod sa mga engkantong naninira ng pinananatili ninyong balanse, tama ba?"





Hindi umimik ang babae. Tila ba nag-a-amok silang dalawa ni Maria sa pamamagitan ng pagsusukatan ng tingin.



"Iyan na ba ang inyong mga nilikha?" tanong niya at binasag ang katahimikan.




"Namangha ka ba? Ang galing, di ba?" parang batang ipinagmalaki ni Maria ang mga tao na nasa paligid niya.




"Gaya ng inaasahan mula sa isa sa mga pinakamataas at makapangyarihang bruha sa kasaysayan." papuri ng babae.
"Ngunit hindi iyan sapat upang higitan ang kakayahan ni Kaptan."




"Iyan ang kinasusuklaman ko sa inyo, kumukulo ang dugo ko habang pinagmamasdan kung paanong ang mga dati naming kaanib ay piniling makipag-alyansa sa kaaway." unti- unting lumabas sa mukha niya ang mangilan-ngilang mga ugat sa kaniyang sentido.



Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon