~*~Mortem Claveria
"Sa d-distritong iyan.. walang ibang naninirahan kundi ang napakalaking pamilya ng mga aswang. Hindi lang iyon, halos lahat ng naririyan ay kumakain ng kahit anong makita nilang gumagalaw." sagot niya.
"Ano naman?" tanong ni Jack.
Halos malaglag ang panga ni Ruela sa narinig. "Ano naman?! Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Required ba na lahat ng Sundo ay walang kinatatakutan? Susmiyo, mamamatay ako ng maaga kapag itong mga taong 'to ang magiging kasama ko.."
"Para namang isasama ka namin—"
"Kailangan natin ang kaniyang kaalaman bilang babaylan upang maibalik sa ayos ang lahat." pagputol ko sa sasabihin ni Jack.
"Siya?!" hindi-makapaniwalang turo ni Jack kay Ruela. "Isang babaylan? Sigurado ka bang hindi buang ang babaylang ito na napulot mo mula sa kung saan—"
Sinabunutan siya ni Ruela at ihinarap ito sa kaniya nang hindi binibitawan ang buhok nito. Pilit namang tinatanggal ni Jack ang pagkakahawak ni Ruela ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakahawak nito.
"Hindi naman tayo close pero bakit parang kanina mo pa ako pinagti-
tripan? Kanina ka pa namumuro sa'kin, ha?" nanggigigil na saad ni Ruela."Yung anit ko! Mauunat yung kulot kong buhok kapag hindi ka bumitaw!" sigaw sa kaniya ni Jack.
"Wala akong pakialam." tumawa si Ruela na parang demonyo.
Napabuntong-hininga na lamang kami ni Kaizer at inawat silang dalawa.
"Wala tayong dapat sayangin pang oras dahil marami na tayong naaksayang panahon sa pagliliwaliw." saad ko dahilan para bumitaw naman silang dalawa sa isa't-isa.
Umakbay naman sa akin si Ruela. "Okay, papayag na akong sumama basta.." bumulong siya sa'kin. "..kay Kaizer ako sasama."
"Ikaw ang bahala." tugon ko. "Gan'to, si Ruela at Kaizer ang magkasama, kami naman ni Jack ang magsasama sa pagsuyod sa Distrito Ikalabing-tatlo."
"Wala nang mas aayos pa sa gano'n." komento ni Jack.
Kumapit naman sa braso ni Kaizer si Ruela.
"Ha?!" bulalas ni Kaizer. "Tutol ako!"
"Bakit ka pa tututol, honeycakes?" tanong naman ni Ruela.
"Wala akong naintindihan sa huling sinabi niya ngunit hindi ko alam kung bakit tumatayo ang lahat ng balahibo ko." bulong ni Jack kahit naririnig naman siya. Natampal naman siya ni Ruela.
"Basta tutol ako! Kung maaari, kahit si Ayen na lamang ang makasama ko sa planong ito dahil naririndi na rin ako kay Jack."
"Oy, ikaw ang nakaririndi sa ating dalawa." sabat naman ni Jack.
Nagsimula na silang magtalo sa kung sino-sino ang dapat magsama at hindi. Dumukot na lamang ako ng barya sa aking sisidlan at tinawag ang kanilang atensiyon.
"Gan'to na lamang. Upang matapos na ang pagtatalo na ito, maglalaro tayo ng cara y cruz. Kapag cara o ulo ang lumabas, kami ni Jack at kayo ni Kaizer at Ruela ang magsasama, kapag naman cruz o krus o buntot ang lumabas, si Kaizer ang kasama ko at si Jack naman ang kasama mo, Ruela." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Sundo [The Reaper]
FantasyMayroong pamahiin ang mga Pilipino na kapag ang isang tao ay handa na sa pagtungo sa kabilang-buhay ay nangangahulugang nakikita na nito ang maghahatid sa kaniya roon-- mga nilalang na tinatawag nilang Sundo. Ngunit sa pagkakahimbing ng mga ito dulo...