Kabanata 56

77 1 0
                                    


~*~

Ruela Valderama


Patuloy naming sinundan kung saan papunta ang kulay pilak na sinulid.



Mahirap, ngunit kailangan naming mag-ingat dahil maliit ang chance na makakalaban kami kung sakaling may halimaw kaming makakasalubong.


"Mama.."


"Ano?" tanong ko kay Tingu.



Ilang ulit ko na siyang sinabihan na hindi ako ang kaniyang ina, ngunit mukhang ayaw niyang makinig.


Like, masiyado pa akong bata para maging ina!




Kung magjojowa man ako, gusto ko mga ilang taon ang relasyon namin ng kaming dalawa lang bago ako magdecide kung gusto ko bang magkaroon ng anak o hindi.



"Ibaba.. mo ako.." rinig kong anas ng bansot. Pumiyok-piyok pa ang kaniyang boses habang sinasabihan kami.


"Huwag ngang matigas ang ulo mo, ako ang tinutubuan ng puting buhok sa katigasan ng ulo ninyong dalawa!" saway ko.


"Ayos.. na ako.." katwiran pa niya.


Sana'y nandito si Ayen para hindi lamang ako ang namemerwisyo sa dalawang ito.



Shocks!


"Yung libro ko!" napabulalas ako at akmang liliko na pabalik sa silid nang harangin ako ni Tingu.




"Kailangan kong makuha yung libro! Kung wala iyon, hindi ko maaaral ng tuluyan ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa pagiging babaylan!" dahilan ko.




Maya-maya pa'y may dinukot siyang kung ano sa kaniyang damit at ipinakita sa akin iyon.



"Mama.." nakangiting sabi niya at ipinakita sa akin ang libro na babalikan ko na sana sa silid.




Kailan niya nakuha iyon?




Sabik kong kinuha sa kaniya ang libro at hinalik-halikan iyon. Omo! At least nadagdagan yung chance na may laban kami sa mga makakasalubong naming halimaw.





Hinawakan ko siya sa ulo at ginulo-gulo ang kaniyang buhok. Napayuko naman siya na parang isang flattered na batang napuri ng magulang dahil nabigyan ito ng magandang grade sa school.


"O siya, kailangan nating hanapin sila Ayen!" wika ko.



Napakaraming hagdanan at mga pasikot-sikot ang aming dinaanan.



"Huh?" natigilan akong muli.



"Mama?" tanong naman ni Tingu na mukhang walang kaide-ideya kung bakit kami huminto.




"Napapansin mo rin pala iyon.." pahayag ni Maghuyop. Agad siyang bumitiw sa pagkakapasan kay Tingu at nagsimulang tumayo sa sarili niyang mga paa.



Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon