~*~Mortem Claveria
"Bilisan niyo nga!" wika sa amin ni Ruela at hinatak kaming tatlo.
Kagigising pa lang namin ngunit kulang pa sa akin ang nakuha kong tulog. Mabigat pa rin ang pakiramdam ng aking katawan kahit na mahaba- haba na ang nilakad namin mula sa Distrito Ikalabing-apat.
"Kapag gumabi at hindi pa rin tayo nakararating doon, bahala na kayo sa buhay ninyo." saad pa niya.
"Umaga pa lang.." sabat ni Jack at humikab.
"Hindi ninyo alam kung gaano pa kahaba ang rutang daraanan natin bago tayo makarating doon."
Lumabas bigla si Kuro sa aking damit at lumipad sa aking balikat.
"Oh, magaling ka na?" bulong ko rito kahit na alam kong hindi ko siya maririnig na sumagot.
Tinanggal ko ang telang nakabalot sa kaniyang katawan at ipinagasgas ng malakas ang kaniyang pakpak para ipakitang masigla na siya.
"Kyaah! Bakit may uwak ka sa balikat, Mortem? Mamamatay ka na ba?" dumistansiya si Ruela sa akin at pinagpalit ang kanilang puwesto ni Jack. "Ikaw diyan. Takot ako sa mga uwak."
"Ngayon lamang ako nakarinig ng babaylan na hindi natatakot magpahabol sa mga engkanto ngunit nababahag ang buntot sa isang maliit na uwak. Kuro!" tawag naman ni Jack dahilan upang dumapo naman sa kaniya ito.
"Kyaah! Alisin mo nga iyan! Shoo! Shoo!" bugaw niya kay Kuro.
"Wala kang magagawa, alaga siya ni Mortem." sagot sa kaniya ni Jack at ngumisi.
"Ugh! Ang weird niyo talagang dalawa ni Mortem! Di ba, Kaizer?" lumapit naman siya kay Kaizer na mukhang malalim ang iniisip.
"Kaizer?" iwinagayway ni Ruela ang kaniyang kamay sa mukha ni Kaizer ngunit mukhang walang nangyayari.
"Sa ganitong mga sitwasyon, dapat.." huminto si Jack sa pagsasalita at sinipa ng malakas sa tuhod si Kaizer.
"Aray! Tsk. Inaano ka ba?" singhal nito sa kaniya.
"Hindi bagay sa'yo maging seryoso, lalo kang nagmumukhang hunghang kahit hunghang ka naman talaga." tugon ni Jack at tinalikuran siya.
Nagsimula na naman silang magbangayan ni Ruela dahil doon. Napatingin lamang ako sa aming dinaraanan.
Naalala kong nabanggit ni Ruela na halos tatlong distrito ang daraanan namin bago makarating doon; ang una, ikawalo, at ikasampung distrito.
Ayon pa sa kaniya, ang una hanggang sampung distrito ay hindi kagaya ng mga distritong mas mataas sa sampu ang bilang kung saan hindi ganoong kahigpit ang seguridad kaya't maaaring makapuslit ang kahit sino.
Iyon ay dahil may mga bantay ang mga distritong iyon at kada isang pabor na aming hihilingin mula sa mga nakatira roon ay nangangailangan ng agarang kapalit.
Una raw naming pupuntahan ang Distrito Ikasampu, ang distrito ng lahat ng uri ng kiwig. Sumunod ang Distrito Ikawalo, ang distrito ng mga batibat. At ang panghuli ay ang Distrito Una, ang nag-iisang daan patungo sa Sanaa na pinamumugaran ng mga Sagay.
***
"Nandito na tayo." saad ni Ruela.
BINABASA MO ANG
Sundo [The Reaper]
FantasyMayroong pamahiin ang mga Pilipino na kapag ang isang tao ay handa na sa pagtungo sa kabilang-buhay ay nangangahulugang nakikita na nito ang maghahatid sa kaniya roon-- mga nilalang na tinatawag nilang Sundo. Ngunit sa pagkakahimbing ng mga ito dulo...