Kabanata 63

52 2 0
                                    


~*~

Mortem Claveria



"Hik!..Sigurado ka bang ayaw mong uminom?" pag-aalok ni Abbara at inabot sa akin ang isang bumbong.


Umiling lamang ako. Ni hindi ko maatim isipin na ako'y iinom sa gitna ng nangyayaring suliranin.


Binawi naman niya agad ang bumbong at kasabay iyong nilagukan kasama ng bumbong na nasa kabila niyang kamay.


"Hoy, hoy.. hik! Hindi mo malilimutan ang iyong suliranin kung hindi ka iinom hehe.." aniya at inabot muli sa ikalawang pagkakataon ang bumbong.



"Pagpasensyahan ninyo, ganiyan talaga  suya kapag nalalasing. Inuulit niya ang lahat ng kaniyang sinasabi hanggang sa magsawa siya." kamot-ulong pahayag ni Dalugdog.





"Sanay na kami." saad ni Maghuyop.




"Akala mo ba hindi kita naririnig? Hindi ako lasing..hik!" tutol naman ni Abbara.




Hindi ko maiwasang tumitig sa bubong ng silong. Napakaraming bumabagabag sa aking isipan at hindi ko na alam kung alin ang aking unang pagtutuunan ng pansin.





Hindi lamang iyon, bukod sa nakaiilang na sensasyon na ipinadarama sa akin ng mga kaangkan ko kanina, sumisibol ang naninikip na pakiramdam sa aking puso, na tila ba may masamang nangyari.



"Dapat ay sinabi mo sa amin noon." sambit ni Dalugdog.


Nagtataka ko siyang tingnan pagka't hindi ko malaman ang nais niyang ipahiwatig.



Namagitan sa maiksing sandali ng katahimikan ang paglangitngit ng mga sanga ng mga walang dahong puno sa kadiliman dahil sa pag-ihip ng isang malakas na hangin.




"Alam na namin. Hindi mo na kailangan pang ilayo ang iyong sarili at umaktong hindi ka kabilang sa amin." dagdag pa niya at ngumiti sa akin.



Lalong bumakas ang pagdududa sa aking mukha. Hindi ko maunawaan ang kaniyang tinuturan.



"Ang dahilan kung bakit ginawa mo iyon, ay para ipagtanggol ang angkan, hindi ba?"




Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Tila ba sa kabila ng nararamdaman kong kabigatan, bahagyang gumaan ang aking kalooban.



Napayuko na lamang ako at hinaltak muli ang salakot upang isiksik ang aking mukha roon.


"Patawarin mo na ang iyong sarili, Ayen." malumanay niyang anas.


Pilit kong kinakagat ang aking labi upang maibsan ang pagbuhos ng aking emosyon, ngunit sa huli'y tuluyan ding umagos ang aking luha.




Kinakapos na ang aking hininga sa aking pagtangis, ngunit sinusubukan ko pa ring ibuka ang aking bibig upang magsalita.




"Pa..ta..wad.." lubos nang nag-iinit ang aking mukha sa naghalong luha at sa kakapusan sa hangin.



"Pata..wad.."


Mukhang malabo ang patawarin ang aking sarili, dahil habangbuhay nang nakaugnay sa akin ang pagsisisi.


Alam ko ring ang paulit-ulit na paghingi ng tawad ay hindi makatutulong sa pagtanggal ng aking mga nagawa.



Ngunit dahil iyon lamang ang salitang alam ko upang ipakita na ako'y nagsisisi at marahil ay hinihintay nilang marinig mula sa akin sa loob ng mahabang panahon, hindi ako magdadalawang-isip na ulit-ulitin iyon, hanggang sa huling hininga ng aking buhay.




Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon