Kabanata 10

209 3 1
                                    


~*~

Mortem Claveria



Sa mundong ito, dalawa ang maaari mong patunguhan; ang mamatay ng may kakuntentuhan, o ang mamatay nang may pinagsisihan.

Mayroon na bang nakapagsabi sa iyo... na hindi ka nag-iisa kapag ika'y namatay?

Sinasabing habang papalapit sa bingit ng kamatayan ang isang tao'y nakikita niya ang kabuuan ng kaniyang naging buhay sa maiksing pagkakataon, pagkatapos ay makikita niyang naroon na ang kaniyang Sundo, hinihintay na lamang ang kaniyang pagsama sa kabilang buhay.

Ngunit bakit nga ba mayroon pa ring naglilipanang mga kaluluwa at sa mundong ito'y hindi pa rin nawawala kahit na sila'y hindi na nabibilang sa mga nabubuhay?

***


"Hindi pa pumapasok si Jam?"

"Ilang araw na, sabi niya sa excuse letter niya trangkaso lang daw ang sakit niya at gagaling naman daw siya basta magpapahinga. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya pumapasok."

"Oy, nandyan na si Ma'am!"

"Oy, nandito na rin si Jam!"

"Bilisan niyo!"


"Alis diyan sis, upuan ko 'yan."


"Akin na yung cellphone ko, tapos na ba maipasa yung mga picture ko sa cellphone mo?"

"Kasalanan mo kase. Bakit dito ka pa nag-selfie eh may cellphone ka naman?"

"Maganda kase camera ng cellphone mo. Mukha akong may clear skin kahit walang filter."

Wala akong naiintindihan sa paraan ng pananalita ng mga mortal sa Lupan-on.

Nanatili akong nakaupo sa bubong ng isang tore na gawa sa bato. Naririnig ko sa mga dalaga't-binatang sa tingin ko'y mga mag-aaral na naglalakad sa ibaba na tinawag nila itong "building".


Katapat nito ang isang silid sa kabilang "building" kung tawagin. Iyon ang ikalima at pinakadulong silid sa ikaapat na palapag.

Sa paglalakad ko sa siyudad, napansin kong isa sa mga mortal ay kumikilos ng kakaiba.

Ang bawat nabubuhay na mortal ay mayroong dahong nakapaloob sa kanilang mga kaluluwa at nananatili sa kanilang puso hangga't sila'y nabubuhay.

Ngunit.. ang mortal na iyon..

Sinundan ko kung saan patungo ang mortal na babae. Hindi kalauna'y dito ako dinala ng pagsunod ko sa kaniya..

Sa isang paaralan.


Hindi magkamayaw ang mga bata't-matanda na patuloy na nagkakasalubong sa mga pasilyo, sa mga baitang ng hagdanan, at sa mga silid.

Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon