Kabanata 82

12 2 0
                                    

~*~

Ruela Valderama

Umiral ang katahimikan sa pagitan naming apat.

Omaygash. Kasalanan ko 'to! Bakit ko ba kasi sila sinampal?

Iyan tuloy, sobrang awkward ng paligid habang patuloy lamang kami sa pagbagtas sa lawa.

Sinabihan ko na rin ang iba sa mga Bungisngis na mag-ingat sa paglalakad dahil baka lubhang maggambala ang iba pang mga nilalang na nananahan sa isla na ito.

Naihayag sa akin ni Abbara noong una na kailangan naming makahanap ng magtuturo ng daraanan patungo sa pampang kung saan naglalagi ang bangkero.

Sa kabutihang palad, sinabi sa amin ng mga Bungisngis na mayroon silang mga kilalang makapagtuturo ng daan sa amin. Mas mabuti na rin ang kasama namin sila kaysa kaming mga kamuwang-muwang sa pasikot-sikot ng lugar na ito ang maghanap.

"Tingu." tawag ko sa kaniya.

Alam kong darating din sa puntong ito ang lahat noong una pa lamang.

Agad naman siyang sumilip sa aking gilid.

"Nakatagpo mo na ang mga Alan, hindi ba?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko man siya tingnan ng diretsahan, alam kong may pag-a-alangan ang kaniyang kalooban sa pagsagot.

Alam kong nakita na niya ang mga ito kanina, pagkat napakaraming inaanod na Alan ang aming nakasalubong sa aming daanan.

"Hindi ba't naaalala mo ang pangako na ibinigay namin sa iyo noon—"

Kumapit siya ng mahigpit sa aking braso na para bang ayaw niyang humiwalay doon.

"Ayaw!" sagot niya.

"Tingu.. makinig ka. Lubhang mapanganib kung magpapatuloy pa kami rito, at anong malay natin? Marahil ay iisa-isahin tayo ng panganib na naghihintay sa Sulad. Ang tanging magagawa ko lamang, tutal ay walang kasiguruhan kung makakabalik kami ng buhay, ay ang iwan ka rito sa isla sa kamay ng mga Alan." paliwanag ko.

Gaya ng napagtalunan nina Abbara at Maghuyop, makakatulong si Tingu sa pagbibigay-kapayapaan sa mga Alan na naglalagi rito.

Hindi lamang iyon, maaaring mas maramdaman ni Tingu roon ang pagmamahal ng mga ina na hindi naibigay sa kaniya ng buo ng Alan na tumayong kaniyang ina.

Hindi siya umimik. Ibinaon niya lamang ang kaniyang mukha sa aking braso.

Ramdam ko ang unti-unting pagkabasa ng aking manggas.

"Huwag mo naman akong pahirapan ng gan'to, Tingu." pilit kong pag-a-alo sa kaniya.

Marahil ay magbago ang kaniyang isip kung gagawa ako ng kondisyon na maaari niyang sang-ayunan upang siya'y pumayag na magpa-iwan dito.

Nagbabadyang lumukot ang aking labi habang nakikita kung paanong ayaw niyang bumitaw sa akin.

"Kapag namayapa sila.. ano naman ang mangyayari sa akin? Ano naman ang mangyayari sa iyo?"

Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon