~*~Ruela Valderama
"So sinasabi mong ang pagkuha mo kay Keizerin ay hiling lamang ng kung sino?" tanong ko.
Inilagay niya ang kaniyang nakadakot na kamay sa kaniyang bibig at sumenyas na tila ba zipper na isinara ang kaniyang bibig.
"Paumanhin, ngunit hindi ko maaaring sabihin kung sino ang humiling na siya'y kuhanin." tugon niya at sumipol.
Tsk. Hindi ko talaga matiis ang amoy ng mga nakahawak sa akin.
Pigil-pigil pa rin ni Tingu si Maghuyop kung kaya't hindi ako makahihingi ng tulong sa akin.
Kainis. Para saan ang pinag-aralan ko tungkol sa pagiging babaylan kung hindi ko ito magagamit dito?
Parang wala rin akong pinagkaiba noong pumapasok pa ako sa school. Pinipilit ng guro namin na matutunan namin ang mga aralin ngunit ang utak at sarili ko'y tinatanggihan mismo ang
aralin na maaaring makatulong sa akin balang-araw.Pinakiramdaman ko ang aking sarili at inalala kung may nakatago pa akong patalim sa aking katawan ngunit sa kasamaang palad, wala akong nakita.
Ang hirap kapag iisa lamang ang dala mong armas sa katawan. Nadedehado ako lagi kaya ang tanging nagagawa ko lamang ay tumakbo tutal favorite subject ko ang Physical Education noon -
Shet! Bakit ngayon ko lang naalala?
Walang sabi-sabing pinilipit ko ang aking braso, dahilan upang matigilan ang mga nakahawak sa'kin.
Nang matiyempuhan kong lumuwag ng bahagya ang hawak niya'y idinuyan ko ang aking sarili.
Isa.. dalawa.. tatlo!
Buong lakas kong iniangat ang aking paa sa ere na para bang isang gymnast at ginawang tapakan ang mukha ng isa sa mga tao na nasa likod sa sandaling umangat ang aking katawan pabaliktad kasama ng paa.
Nang maipon ang puwersa ng tapak ko sa likuran ay nabitiwan ako ng mga may hawak sa akin.
Nakalapag ako sa lupa at agad na pinigtas ang nakataling mga maliliit na sisidlan ng asin at bawang sa aking baywang. Sinubukan akong habulin ng mga ito ngunit pilit kong binilisan ang pagtakbo.
Anong mayroon sa mga ito? Bakit para silang mga zombie na mukhang tao?
"Walang bisa ang ano mang pangontra sa mga ito dahil sila'y mga tao." pahayag ni Maria. "Ngunit kung hindi mo mamasamain ay huwag mo sanang gamitin iyan lalo't mayroon tayong kasamang engkanto rito." ngumuso siya sa direksiyon nina Tingu.
Tsk. Ginagamit niya ang mga sinabi ko laban sa akin.
Mabilis kong itinago ang mga asin at bawang at saka inilabas ang aklat.
Akmang bubuksan ko na ito nang may kung anong manipis at mahigpit na tumali sa aking braso, dahilan upang mabitiwan ko ang aklat.
Sinulid!
Nice, kanina'y may nakahawak sa akin upang pigilan ako, ngayon nama'y nakabitin ako sa kisame. Wala na bang lalala rito.
Hindi ako puwedeng mag-gymnast dito, tiyak magiging tinadtad na karne ang labas ko nito sa sobrang higpit ng pagkakapit nito sa akin.
"Babaylan, ah? Noong araw, naaalala ko, sila ang pinaka-sakit sa ulong mga nilalang na nakita ko sa tagal ng panahon ko rito. Nagdaos pa naman ako ng piging nang malaman kong wala nang natira sa kanila." bumuntong-hininga muna siya.
BINABASA MO ANG
Sundo [The Reaper]
FantasyMayroong pamahiin ang mga Pilipino na kapag ang isang tao ay handa na sa pagtungo sa kabilang-buhay ay nangangahulugang nakikita na nito ang maghahatid sa kaniya roon-- mga nilalang na tinatawag nilang Sundo. Ngunit sa pagkakahimbing ng mga ito dulo...