Kabanata 9

215 5 2
                                    


~*~

Mortem Claveria


Sa pagkakatuklas ng kasulatang iyon, napagdesisyunan kong dalhin iyon sa pagbaba namin sa bundok.

"Kanina mo pa hawak 'yan. Patingin," ani Jack at hinablot sa kamay ko ang pergamino.

"Hmm, oh. Gano'n? Wala akong naintindihan." agad niya itong ibinalik sa'kin. "Bakit ba kasi kailangang ang mga kasulatan ay gawing matalinhaga? Hindi ko tuloy matukoy kung isang pamahiin lang ba ang sinasabi nila diyan o sadyang gusto lamang nilang pahirapan ang mga magbabasa."

Hindi niya napapansin na mahusay siyang gumamit ng talinhaga kapag nang-iinsulto.

ᜉᜄᜇᜈᜃ᜔ ᜅ᜔ ᜇᜓᜄᜓ

(Pagdanak ng Dugo)

ᜃᜋᜆᜌᜈ᜔

(Kamatayan)

ᜇᜒᜄ᜔ᜋᜀᜈ᜔

(Digmaan)

ᜀᜅ᜔ ᜉᜄ᜔ᜐᜐᜇ

(Ang Pagsasara)



Iyon ang mga salitang nakasulat sa huling bahagi ng pergamino.

"Jack," tawag ko sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala, wala." ang naisagot ko na lamang.

Gusto kong sabihin sa kaniya, ngunit bigla na lamang umurong ang dila ko. Mukhang hindi niya magugustuhan kung ano ang sasabihin ko.


"Kailangan na naman nating mamulot ng kahoy at mag-siga para hindi tayo muling malamigan," saad ko at pumulot ng mga maliliit na sanga na aming nadaraanan.

"Hindi ka ba nagsisisi?" biglaang tanong ni Jack habang nakatingin sa langit.

Palubog na naman ang araw at kailangan naming magmadali pababa sa bundok dahil maaaring marami na namang naglipanang mga nilalang ang lumitaw sa pagkagat ng dilim.. kagaya ng mga kuraret na biglaan na lamang lumitaw noon.

Masyadong mabilis ang oras para sa mga taong abala, mabagal naman para sa mga taong walang ginagawa.


"Nagsisisi saan?" tanong ko pabalik.


"Na nawalan ka ng kapangyarihan bilang parusa dahil sa nangyaring pagpatay mo sa iyong Ama," sambit niya at nag-iwas ng tingin.


"Sa ngayon, dapat ay nakararamdam na ako ng pagsisisi dahil sa nagawa ko. Ngunit sa di-malamang dahilan, hindi ko magawang makonsensya, marahil ay dahil sa ginawa ko ang sa tingin kong tama. Hindi ko alam, maaaring may iba pang rason kung bakit hindi ako nakararamdam noon," paliwanag ko.

"Isa pa, ang pagkawala ng kapangyarihan ay nakagagaan ng katawan," dagdag ko,"Dahil sa wala akong kapangyarihan, hindi madaling maramdaman ang presensiya ko, maliban sa mangilan-ngilang Sundo na kabisado na ako."

Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon