Kabanata 52

91 1 0
                                    


~*~

Mortem Claveria


"

Kung iniisip mo pa ring maililigtas pa ang batang iyon, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na wala nang kaligtasang nakalaan para sa kaniya..hik!" wika ni Abbara at dinuro-duro ang aking noo. "Kung mayroon mang paraan, iyon ay wala nang iba kundi ang kamatayan..hik!..
ngunit pansamantala lamang iyon, lalo pa't pag-aari na ni Sitan ang kaniyang kaluluwa.."



Bigla na lamang siyang napangiwi. Bahagya niyang inalog-alog ang bumbong at agad akong tinalikuran. Ang kaniyang ngiwi ay napalitan ng pagkainis.




"Ugh..hik! Paubos na naman ang laman nito! Kapag ako talaga napikon, sasapakin ko talaga si Dalugdog!" sigaw niya.



Gusto kong balikan sina Kaizer upang malaman kung ano na ang nangyari, ngunit sa di-malamang dahilan ay tahimik sa kabilang dulo ng daanan kung nasaan sila.



Balot ng kaba ang aking kalooban. Mayroon sa loob-loob ko ang humihiling na sana walang ginawang masama sa kaniya ang hari. Sa kabila noon, tiwala pa rin akong umiiral sa hari ang awa.



Biktima lang din si Kaizer, kagaya ko.



"Kamusta ka na nga pala?..hik! Anong nangyari sa iyo nitong mga nagdaang panahon?..hik!" biglaang tanong ni Abbara.




"Ayos lang naman. Napadpad ako sa Timog na bahagi ng Kamaritaan at doon nahimbing.." wika ko, ngunit namutawing bigla sa aking kalooban ang pakiramdam ng kuryosidad.



"Kung ang nakalimutan lamang namin ay si Haring Kusog, bakit naman kami nakalimot sa aming mga pangalan samantalang kayo'y hindi?"





"..Hik!..Ang mga nakalimot sa kanilang pangalan..hik!"..ay iyon lamang mga Sundo na nagkaroon ng napakalapit na ugnayan sa Hari..hik! Iyon ay tanda ng katapatan sa kaniya na siya ring nabura ng sumpa..hik!" paliwanag niya nang magawa na niyang kumalma.




"Alam ko ang naiisip mo..hik!..Tayong mga Claveria ay isa sa mga angkan na pinakamalapit sa hari ngunit hindi kami naapektuhan..hik!.. para sa kaalaman mo..hik!..ang mga bruha..ay hindi nagtatakda ng katapatan sa kung kanino man maliban sa kanilang pagiging bruha..hik!.." dagdag pa niya at lumingon sa kawalan. Maya-maya pa'y bigla na lamang niyang sinuntok ng malakas ang pader, dahilan upang gumuho maging ang kisame.





"Tama ba ako.. ahente ni Sitan?" anas niya.


Ahente ni Sitan? Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala akong nakitang kung sino maliban sa amin.


"SA HARAP!" masayang sigaw ni Abbara at ibinagsak ang kamay sa lupa na animo'y may isinusubsob siya sa sahig.



Mukhang nawala ang kalasingan niya nang nakaramdam siya ng makakalaban.




Duda akong may kakayahan si Abbara na makakita ng mga hindi nakikita ng mata. Ngunit sa pagkakatanda ko, wala pa sa aming angkan ang nakatalo sa kaniya sa paghahanap ng mga presensiya.



Ayon sa iba, taglay daw niya ang pandama na mayroon ang isang magiting na mandirigma marahil na rin dahil sa kaniyang karanasan.




"KAINIS! NAKATAKAS PA! KASALANAN MO 'TO DALUGDOG!" nanlulumong sigaw niya at nagpapapadyak pa na tila isang bata.


"Hindi mo ba siya hahabulin?" tanong ko.


Umiling siya."Hindi siya ang hinahanap ko. Pero maganda na rin sana kung napilayan ko kahit papaano kung sino man ang ahenteng iyon. Nakakainis.. masiyado silang mahilig sa tagu-taguan."




Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon