Kabanata 29

178 5 0
                                    


~*~

Patag'aes

"Kayo ba'y walang balak ba umuwi sa inyong mga bahay?" tanong ko sa kanila.

Hindi ko na pinansin pa ang kanilang mga ikinukuwento tungkol sa kaibigan nila mula sa nakaraan dahil marahil ay hindi gaanong importante ang kanilang tinutukoy, at maaaring isa lamang iyong mortal na kanilang naka-inuman ng isng beses.

Huli na nang aking mapagtanto na bagsak na ang dalawa at nahihimbing na sa sahig. Bumuntong-hininga na lamang ako at inihiga ang mga ito sa papag.

Kinuha ko ang mga bato at hinintay na tumila ang ulan bago lumabas. Kulay abo ang kalangitan dahil pasapit na ang gabi.

Hindi nga ako nagkamali nang makakita ng bahaghari sa kalangitan.

Maiksi lamang ang sandali ng pagpapakita nito kung kaya' t walang panahong sapat sayangin.

Maraming salamat sa pagkakataong iyong ginawa, Rajah.

Nagtungo ako sa puso ng kagubatan, kung saan naroroon ang isang malaking butas.


Maski ako'y walang alam sa nangyari noon kahit pa nananatili akong gising sa loob ng napakatagal na panahon kasama ang aking mga kapatid.

May mga panahong nasusulyapan ko si Ayen na nakatingin sa akin at nakikita ko sa kaniyang mga mata na sobrang daming mga katanungan na nais niyang itanong. Iyon na rin marahil ang dahilan kung bakit bumalik siya sa lugar na ito.

Umihip ako bilang pagtawag sa aking alagang mga ravena. Ilang sandali pa 'y nagsi-dating na sila at dumapo sa aking  balikat. Walang anu-ano'y umilaw ang mga bato kaya't inilapag ko ito sa lupa.

Maya-maya pa'y bumalik na sa kanilang dating anyo sina Ayen. Bumalik na sila sa kanilang kamalayan.

"Mabuti na lamang at dinala ko na kayo rito bago pa mawalan ng bisa ang agimat." saad ko.

"Mabuti na lamang at ang isa sa mga pinakamahabang bato ang aking pinili para sa ating tatlo." tugon ni Ayen habang hinihilot ang kaniyang sentido.

"Hindi na kami kakain muli ng bato sa susunod." himutok naman ni Jack at Kaizer habang pilit na isinusuka pabalik ang bato.

"Nais kong hayaan kayong palipasin ang gabi sa aking tahanan, ngunit sa kasamaang palad ay kasalukuyang nahihimbing ang aking mga kapatid sa aking kubo. Isa pa, gaya ng inaasahan, dumating ang Rajah kanina ngunit agad ding umalis." pahayag ko.

Bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha kung anong nangyari. Ihinayag ko sa kanila ang buong nangyari na sila namang naintindihan.

Ngumiti ako. "Huwag ninyong kalilimutang magpasalamat sa Rajah at sa kaniyang dilang-anghel."


"Mas nanaisin pa naming mabitay kaysa magpasalamat sa Sundong iyon," sabay na wika ni Jack at Kaizer.

Napansin kong may kung anong nakalagay sa bulsa ni Kaizer. Sa unang kita'y inakala kong isa lamang iyong pangkaraniwang budyong, ngunit sa huli'y natukoy ko ang budyong na iyon.

Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon