Kabanata 28

186 5 0
                                    


~*~

Patag'aes

"Nakarating kayo sa Biringan?"


"Oo, marami kaming mga kaibigan doon na tutulong sa aming pumuslit papasok ng walang kahirap-hirap," pagyayabang ni Manglagaes at sumalampak sa sahig.


Paano naman nangyari iyon?




"Ikaw Patag'aes, sinusubukan mong baguhin ang usapan—"





Pinutol ko na ang susunod na sasabihin ni Mangganghaw. "At kailan pa nila pinahintulutan ang pagpasok ng kung sino man sa Biringan?"






"Hindi pa rin sila nagpapapasok ng kung sino man, Patag'aes. Nagkataon lamang na nagkaroon ng pagdiriwang upang salubungin ang mga bagong dating na residente sa kanilang pook."
sagot ni Mangganghaw.





Bumuntong-hininga na lamang ako at napaupo sa papag. Mahigpit ang seguridad sa Biringan lalo pa't iilang beses nang may nangahas na sakupin ito noon pa man.




Sa kasalukuyan, maski mga diyos ay hindi na maaaring papasukin doon mula noong napalitan na ang kanilang pinuno.


Kung ang mga diyos ay hindi nito pinahihintulutan, paano pa kaya ang mga Sundo?




Ayaw lamang ng mga diyos na magsimula ng pagkakagalitan nila at ng mga nilalang na nasa kani-kanilang nasasakupan.





Isang marahas na pinuno na sadyang abot-langit ang poot sa diyos ng sinaunang panahon.






Patuloy lamang sa pagtungga ng lambanog ang dalawa. Paniguradong pagkagat ng dilim ay dito na naman sila makikitulog dahil sa sobrang kalasingan.




Nabalik ang aking pag-iisip sa kung paano ko tutulungan sina Ayen sa kanilang paglalakbay. Hindi sila maaaring maghintay ng residente na mag-a-aya sa kanila roon dahil ang bawat engkanto ay nagbabalita sa pinuno tungkol sa mga bagong residente.




Hindi magiging madali para sa kanila ang paglalakbay maski kahit pa sa pagdating nila roon.




Kailangan kong makatulong kahit na sa anong paraan.




"Puma..hik!..rito ka, Patag'aes..hik! Tuturuan ka naming uminom ng lambanog!"


"Salamat, ngunit ako'y walang panahon upang matutong maglasing," tugon ko.




"..hik! Tatandaan namin to! Na mayroong..hik!.. isang beses na kami'y.. iyong.. hik!.. tinanggihan. Sabihin mo.. hik!.. marahil ay walang pulutan.. hik!
kung kaya't ayaw mo kaming saluhan!"




"Sasaluhan ko na lamang kayo sa susunod," sagot ko.




Nginitian ko sila. Masiyado silang sakit sa ulo kapag nalalasing kung kaya't hahayaan ko na lang muna silang sabihin kung anong gusto nilang sabihin sa ngayon—





Hmm.


Bahagya akong na-alarma nang maramdaman ko ang presensiya ng kung sino man na tumapak dito sa kanlurang bahagi ng Kahanginan.



Sundo [The Reaper]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon