"Take care anak. Susunod rin ako, may aasikasuhin lang kami ng tita Lucy mo, ok? Don't forget to call me when you needed something" huling bilin na narinig ko mula kay Mama bago ko ilagay ang huling bagahe sa likod ng sasakyan.
Ilang saglit pa ay tuluyan na akong umalis ng bahay. It's 6:34 in the morning and I'm now heading to the academy.
Ngayong araw na ang pag babalik ko sa academy. Inamorata will be my home again. But this time, a better Inamorata. No broken doors, shattered windows, dusty stairs, dead plants, and cracked walls. It's now a safer place to live in. Literally.
Sa lumipas na linggo ay naging maganda naman ang takbo ng mga bagay bagay. Medyo nakakapagod, dahil sa mga kailangang ayusin sa school at nakakapanibago dahil sa parehas na classroom kung saan hindi naman ako nakikinig noon ay kailangan ko nang seryosohin ang nagsasalita sa harap ngayon.
Minabuti ko munang aliwin ang sarili ko sa pag lingon sa labas ng sasakyan. Kanina ay mga bahay lamang ang nadaraanan ko, ngayon ay mga gusali na.
I'm busy looking at every building we pass by until a sudden vibration caught my attention,
Nathan Calling*
Mabilis ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.
"N-nathan, napatawag ka. " bungad ko rito habang nakatingin parin sa pag tingin sa labas at pilit na kinakalma ang sarili sa sobrang saya sa pamamagitan ng pagtingin ko sa mg gusali.
"Good morning, where are you? Nasa school ka na?" Halata ko ang saya sa kaniyang pag bati sa akin.
Hindi siya nag bago. Mula noong nakakulong pa kami, ngayong nakalabas na kami, at mas nakilala ang isa't isa, ganto parin siya makitungo sa akin.
"On the way, why? How 'bout you?" Balik tanong ko rito habang pilit na pinipigil ang sarili sa pag ngiti.
"Nothing, actually I'm here already, maybe mga ten minutes na. Ah... I'll wait for you, magka-room ba kayo ni Kierra?" I can imagine him scratching the back of his head as he sounded so awkward.
Gosh. I'm talking to him through a call but can still see hind clearly.
"Ah, I see. Yes, magka-room kami." Masayang sambit ko naman rito nang maalala na nakuha namin ang eksaktong room kung saan kami dati.
"Maybe I'll just wait there" Rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Nasa Academy na nga siya.
"Okay, see you in a while, " huli kong sabi bago ko iend ang tawag at hayaan ang sarili kong magsisisigaw sa loob ko. Nakakahiya naman sa driver ni Mama kung literal akong magsisisigaw diba?
Ilang segundong tawag lang iyon ngunit nang lingunin ko muli ang tanawin sa labas ng sasakyan ay matataas na puno na ang nadaraanan namin.
Cool air, scent of trees and leaves, dim surroundings...
Looks creepy, it's dark here kahit na may araw na. Pero iyan ang hudyat na malapit ka na sa Academy. Dahil sa dulo ng madilim na kakahuyan ay isang mataas na gate at maliwanag na kalangitan.
Ilang saglit lang ay nakita ko na ang matataas na pader at isang malaking gate sa harap ko. Medyo nakakasilaw pa ang liwanag nang tingalain ko ang taas ng gate.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Mystery / ThrillerEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...