14th: I am Your Ride

584 24 0
                                    

Oras na rin ang lumipas pero hindi ako makaramdam ng pagod. Pakiramdam ko ay gusto ko lang subukan lahat ng rides sa carnival na ito.

Nasubukan na namin yung giant swing, pirate ship, caterpillar at marami pang iba. Pero hindi parin tumutigil itong kasama ko sa pag pila sa kung saan saang rides. Kita ring walang kapaguran sa katawan tulad ko.

At hanggang ngayon ay pinapaniwala niya parin ang sarili niya na nahilo ako sa drop tower ride na yon. Kanina niya pa pinipilit sa akin na nahilo ako.

Like duh! Hindi ako nahilo, pero ayaw niya talagang makinig sakin. Tsk.

"And our last ride for today, ... Roller-coaster" ngumisi ito sa akin na tila sinasabing mahihilo na talaga ako rito.

He gave me that look for the nth time! Nangaasar lang talaga to eh!

"Game, " balik na ngisi ko rito na ikinatawa niya ng mahina.

Tsk, sabi na kasing hindi ako nahilo kanina eh.

Ano naman kayang ipapagawa nito kung sakaling ipilit niya talagang nahilo nga ako sa ride na yon? Tsk. Wag naman sana akong pahirapan ng lalaking ito.

"Hey, let's go, tatayo ka nalang ba jan? Are you terrified already?" tanong ni Criexxen na tila nang aasar habang naka upo na at inaayos na ng isang staff ang kaniyang seat belt.

I was about to speak and to make my first step nang unahan ako ng kung sino mula sa likod ko.

"Tsk. Tagal tagal. Kung takot ka kasi, wag ka nang tumuloy. Harang ka sa pila eh" singit ng isang babae na umupo pa talaga sa tabi ni Criexxen.

Umirap ito sa akin pagkatapos ay ngumiti ng pagkalaki laki kay Criexxen kasabay pa ng pag ayos niya ng kaniyang buhok.

What? A-ang kapal naman ng mukha nito! Argh! Mang-aagaw! ... Ng pwesto!

Wala kong nagawa ng mailock ang seat belt ng malanding babae at iginiya ng isang staff sa likod ng upuan ni Criexxen na wala ring nagawa kundi sundan ako ng tingin hanggang sa hindi na siya makalingon sa kinauupuan ko.

If I know, gusto niya lang talagang makatabi si Criexxen. This is so unbelievable!

"Hi, kyah. " ngiti nito kay Criexxen na hindi ko makita ang reaction.

Kita ko naman ang pag subok ni Criexxen na lumingon sa akin bago gumanti ng ngiti sa babaeng epal na tumabi sa kaniya.

Nang aasar ba siya? Argh! Kailangan tumingin muna sakin? Para ano? Para mang inis?! Tsk! Humanda ka talaga sakin! Magngitian kayo ng epal na yan!

Dahan dahan nang umandar ang sinasakyan namin pero wala akong maramdaman na kahit anong takot, o excite man lang.

Sino ba namang matutuwa kung imbes na magandang view ang makita mo, babaeng parang linta naman kung makakapit sa braso ng kasama ko yung bumubungad sakin.

Wala pa namang nangyayari pero kung makakapit naman tong si ate, kala mo talaga mahuhulog eh.

Kung kalasin ko kaya turnilyo ng upuan niya para magamit niya ang skill niya sa pagkapit na parang linta? Argh!

Ilang saglit nalang ay mag sisimula na ang totoong ride. Kita ko na ang dulo kung saan kami mahuhulog.

3

2

1

"Ahhh-..." Hindi ako natuloy sa pag sigaw ng sapawan ako ng babaeng parang mapuputulan na ng mga ugat sa leeg sa sobrang lakas sumigaw.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon