Wala na. Sira na ang grupo namin. At mas masakit para sakin dahil ako, ako na dapat siyang nag aalaga ng grupong nabuo sa gitna ng digmaan ang sumira sa lahat. Ako ang nag iisang dapat sisihin sa nangyari.
Sirang sira na kami. Sirang sira na ako. Sirang sira na ako sa mata ng lahat. Ariia Malayre Ferrer isn't Ariia Malayre Ferrer anymore, I become worst. I'm a monster.
Nagsimula lang naman ang lahat ng ito dahil sa pagkairita ko. Dahil sa hindi ko pagtanggap na ma nakaangat sa akin. Dahil kay Melissa na malinaw na ngayon sakin na higit sa lahat ng aspeto sakin. Lalo na pag dating kay Nathan.
Dalawang araw na ang makalipas nang makalabas ako sa ospital at pangatlong araw ko na to na hindi pumapasok. I mean it when I said I should distance my self from everyone. Dapat akong mawala dahil ako ang dahilan ng pagkakaroon ng dalawang grupo sa isang grupo lang dapat. Dapat akong mawala dahil kung hindi ay baka mas malala pa ang magawa ng kamalasan ko.
*knock*knock*
Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ang pag katok ni Mama sa pinto.
She has been like this since the first day I've locked myself from everyone. Every morning she sends me food.
"Ariia..." She whispered. "I know it's hard. But I know you're not just a simple girl who just gives up that easy. Matalino ka, at alam kong alam mo na hindi sa pag kukulong sa kwartong ito ang sagot mo sa lahat ng nangyayari sayo. I know you can do better" she whispered and the next thing I heard is the door closed.
Napahinga nalang ako ng malalim sa lahat ng narinig ko mula kay Mama. Araw araw akong nakakarinig ng mensahe na ikagagaan ng sobra ng loob ko galing sa kaniya. Kung ibang tao ang sinasabihan ng magulang nila ng mga naririnig kong paglift up tulad ng ginagawa ni Mama, siguro ay nag top one na ang taong iyon sa klase nila. Pero wala eh. Wala ng epekto sakin. Malinaw na sakin kung gaano ako kawalang kwenta.
Nang masiguradong hindi na babalik si Mama ay sunod na ginawa ko ang palagi kong ginagawa. Tinatapon ko ang mga pagkaing binibigay niya para wala siyang abutan at para mabawasan man lang ang pag aalala niya.
I don't know what to do. I don't know how to fix this all... Baka kapag lumabas ako sa kwarto ko ay may madulot na mas malala ang kamalasan ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyari pang masama dahil sakin.
Bumalik ako sa pagkakahiga at nanatili ang tingin sa kisame...
'hindi sa pag kukulong sa kwartong ito ang sagot mo sa lahat ng nangyayari sayo'
Pakiramdam ko ay narinig kong muli ang mga sinabi ni Mama sakin dahilan para mapalingon ako sa pinto. Sa hindi malamang dahilan ay napaupo ako.
I think I can do better... Can I?
I should fix this because I'm the one who did it, and after this... I'll bid my goodbye.
Damn, Mama finally got to get inside my head.
Napailing nalang ako sa sarili ko at dali dali akong naligo at nag ayos ng sarili para makahabol sa first subject ko ngayong araw. Nag taxi nalang rin ako dahil paniguradong matatagalan ako kung papabalikin ko pa ang driver namin.
Gosh I'm feeling really nervous. Sa mga nakalipas na araw na hindi ko pag pasok ay walang kaguluhang nangyari. At ngayong papasok ako, wag naman sanang mataon na may masamang mangyari. Kung hindi, maniniwala na talaga ako na ako ang malas at para mahinto ang mga kaguluhan ay kailangan ko nang tuluyang tapusin ang sarili ko.
Habang papalapit ng papalapit ang taxing sinasakyan ko sa malaking gate ay nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Kaya ko kayang makaharap sila? ...
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Misteri / ThrillerEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...