21st: A Prima

516 24 0
                                    

"Ma, mauna na po ako" sigaw ko kay Mama na nasa pangalawang palapag ng bahay dahil abalang nag aayos ng kung ano

"Sige. Mag ingat ka" rinig ko namang tugon nito kaya muli ay naglakad ako.

"Bye bye baby Casteen, see you later" halik ko sa pisngi nito at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Umuwi ako dito sa bahay kahapon pagkatapos ng pangyayaring iyon. Sa lahat ng nangyaring hindi ko ngustuhan kahapon, tanging pagtakas lang ang nagawa. Wala akong gustong harapin ni isa sakanila.

Ugh! Sakit sa ulo.

Hindi rin ako pumasok sa afternoon class ko at minabuting mag pahangin sa labas ng academy. Nag punta ako sa mall para mamili ng mga gagamitin ko sa PE socials night at hindi naman ako nagkamaling bigyan ang sarili ko ng oras para mapag-isa dahil kahit papano ay mas umayos ang lagay ko.

Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang Academy. At pagkarating na pagkarating sa Academy ay agad akong nag tungo sa first subject ko.

Napapatingin ang bawat estudyanteng nadadaanan ko dahil sa gitna ako dumadaan. Hinahawi lahat ng estudyanteng haharang sa daraanan ko. Idagdag pa sa pag kuha ng atensyon ang tunog ng pointed kong black shoes at ng skirt kong mas pinaikli kesa sa ibang estudyante.

Tss. Sige, tingalain niyo ko. Literal, Haha!

"Ariia! Akala ko hindi ka nanaman papasok ngayon... Wa-wala ka kasi kahapon sa last subject..." Pahina ng pahina ang boses ni Kierra ng makita ako ng buo nang makatayo ito sa harap ko.

What? I know I'm stunning, kailangan magulat? Hay nako.

"Of course papasok ako. There's no reason for me to not" ngisi ko rito ngnit nanatili ang taka nitong tingin sa akin.

"You're wearing high heels, and your skirt, it became shorter. You're even wearing make up... Anong meron?" Takang tanong nito habang patuloy akong inuusisa.

"Oh. Wala naman. I just wanted to do this" I shrugged and scanned myself.

"O-okay... " kunot noong tango nito sa akin.

"Sige, mauna na ako, " she forced a smile and left.

Muli akong nag lakad hanggang sa marating ko na ang first class ko.

Umupo ako sa gitna at ibinaba ang shoulder bag sa katabing upuan.

"Wow Ariia, bago lahat ah. Hindi mo naman kailangang magpaimpress kay Criexxen" komento ng isang estudyanteng hindi ko naman kilala.

Tss. Epal!

"Una sa lahat, walang bago sa mga gamit ko. Pangalawa, hindi naman talaga ako nag papaimpress kay Criexxen, why should I do that? Tss. Stupid" bulong ko sa huling salita na sinabi ko at sarkastiko itong nginitian kasunod ng pag ayos ko ng upo.

"Ariia?" Patanong na pag tawag naman sakin ni Xeya na umupo sa katabing upuan ko.

Tanging pag ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya pero hindi ito ngumiti pabalik at nanatili ang pagtataka sa mukha niya.

"Anong meron?" Takang tanong nito

Kailangan ba talagang may kakaiba para mag ayos ng ganto? Duh, it's my usual face, naiba lang naman yung suot ko.

"Nothing. " casual na sagot ko.

**

Mabilis na natapos ang dalawang unang subject ko. At hindi ko naman alam kung dapat ba akong matuwa sa ginagawang pag bibigay ng atensyon ng mga tao sa paligid ko tungkol sa mga konting binago ko sa sarili ko.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon