50th: Proof

483 25 0
                                    


Tahimik kami ni Nadal sa daan pauwi. Siguro pati siya ay hindi naniniwala sa nakita niya.

Ayoko ring maniwala sa nakita ko. Pero malinaw pa sa nagbabagan apoy na tumupok sa malaking parte ng library ng Carmine building ang nakita kong mukha nito.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya kailangang gawin ang bagay na ‘yon.

Naging mabuting tao kami sakaniya, isinama siya sa grupo namin, tinuring siya bilang isang tunay na kaibigan, pero pinatunayan niya lang na tama ang mga desisyon ko sa ilang taong lumipas. Na delikado ang magdadag ng tao sa grupo lalo na dahil sa mataas na estado namin.

A lot of people doesn’t want friendship. There will always be a motive behind all good act shown to us.

"Is this for real? Siya talaga?" Tanong ng kasama ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa daan.

"Why her?" Gusto ko nalang maiyak habang tinatanong ng utak ko ang sarili ko kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. 

Paulit ulit kong nakikita ang mukha niya, lalong lalo na ang pagpapanggap niya.

I feel so stupid to be fooled!

Ano bang nagawa naming kasalanan sa kaniya? Anong nagawa ko sakaniya?

"She's so innocent. She's so quiet. She's known as one of the intelligent students of the Academy. But what did I just saw?" Malinaw man naming nakita ni Nadal kung sino siya ay hindi nmain ito parehong matanggap.

Base sa lahat ng ipinakita niya sa akin, sa amin, sa lahat, pagpapanggap lang ‘yon. Nag sinungaling siya sa aming lahat.

Ngayon kilala ko na kung sino ang tunay na tao sa likod ng lahat ng kaguluhan. Kaguluhan kung saan ako ang naiipit. Pero hindi ako sigurado kung masaya ba ako sa nalaman ko.

Oo, masaya ako dahil may mukha na ang tao sa likod ng lahat. Masaya ako dahil may mukha na ang kalaban ko. Pero hindi ko magawang mag diwang dahil ikaw ang mukha sa likod ng lahat. Hindi ko magawang maging masaya dahil mukha mo ang nakita ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ang lahat ng iyon.

...

...

...

...

...

...

...

...

...
...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

Xeya...

**

Tanghali na nang magising ako dahil sa ingay ng kapitbahay namin. Sa tingin ko ay nag paparenovate sila ng bahay.

Well, that's not my concern. In fact I can thank them for waking me up. I think I would be asleep until the evening if it’s not because of their noise.

Any way, kaya siguro tinanghali na ako ng gising ay dahil na rin sa late na akong natulog kagabi.

Maaga kaming nakauwi ni Nadal galing sa magang natapos na party dahil sa hindi inaasahang pangyayari pero bukod sa pag iisip sa kung anong kasalanan ang nagawa namin kay Xeya at nagawa niya ang mga bagay na iyon, inaalala ko rin si Mama at ang Academy.

Matapos ng nangyaring kaguluhan sa Academy kagabi ay agad itong pinuntahan ni Mama at siguro sa mga oras na to ay nasa academy na ulit siya.

Panibagong issue nanaman, panibagong pagkakagastusan ng heads ng Academy, panibagong usap usapan nanaman para sa media na hindi kami kelanman tinigilan.

Okay lang namang tanghali na ako nagising dahil suspendido ang klase dahil sa nangyaring aksidente kuno kagabi.

Argh! Kailangan ko nang kumilos. Pero hindi ko alam kung anong kilos ang gagawin ko.

Matapos mangyari kagabi na malaman ko ang tunay kong kalaban ay wala pa akong sunod na hakbang. May ilang bagay akong gustong gawin pero maraming dahilan ang pumipigil sa akin para hindi ituloy ang mga bagay na ‘yon.

Sigurado na akong si Xeya ang may gawa ng kaguluhan kagabi, pero hindi ako sigurado kung sasabihin ko na ba kina Kierra, at mas lalong hindi ako sigurado kung may maniniwala ba sa akin.

Kinuha ko ang cell phone ko sa side table nang maalalang si Nadal lang ang tanging taong maaari kong kausapin tungkol sa bagay na ito, dahil sa ngayon ay kami palang ni Nadal ang nakakaalam ng lahat.

Oh my...

Anong meron?!

67 messages

84 missed calls

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Binuksan ko ang messaging app ko at nakita ang iba't ibang mga pangalan rito.

Nadal, Kierra, Zayd, Kendric, Asche...

Nadal calling...

Agad ko naman itong sinagot nang makita ko ang pangalan nito kahit na labis na kaba ang bumabalot sa akin dahil sa mga mensaheng hindi ko pa nabubuksan.

"Ariia what?! Kanina pa ako tumatawag sayo! Get your ass out of your house now!" Iritang sambit nito.

Ano? Anong sinasabi nito? Kakagising ko lang.

"Why? Anong problema? Kakagising ko lang. I can't just leave" iritang sagot ko rin dito kasabay ng hindi parin nawawalang pagtataka at kaba sa loob ko.

"Come on! They're on their way there! I saw them!" Rinig na rinig ko sa kabilang linya ang humaharurot nitong sasakyan. Rinig ko rin ang mga sasakyang nadadaanan nito at mahahaba at malalakas na busina.

What the hell is happening?!

"Ano bang sinasabi mo Nadal? Ba't parang ang bilis mong mag maneho? Okay ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ko rito dahil sa naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

Sino bang pupunta dito? Kung bakit ba naman kasi sanay ang taong to na putul-putulin ang pagkekwento eh.

"Just get out! I'll tell you when your with me. Malapit na ako sa inyo." Kasunod nito ay ibinaba niya na agad ang tawag nang hindi ako pinapasagot.

What?!

Patayo palang ako sa aking higaan ay biglang bumukas ang pinto.

"Ate, is there a problem? Andito sina ate Kierra" pag sulpot ni Casteen kasama ang yaya niyang nakabantay sa kaniya

Kierra?

"Ma'am Ariia, hinahanap ka po ng mga kaklase mo, nasa baba sila" sambit nito na ikinatango ko sa gitna ng pagtataka.

"Pakisabi maghintay nalang po sila saglit." may halong kabang sagot ko

Why are they here? At sinong kasama ni Kierra?

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay nagmadali na ako sa pag baba.

Bumungad sakin si Kierra, Asche, Zayd at Kendric na naghihintay sa sala. Hindi ko maintindihan ang mga pinapakita nilang ekspresyon sakin.

Magkakaiba ngunit pareparehong may nais iparating. Nakakatakot.

"A-anong meron?" Tanging tanong ko pagkalapit ko sa kanila. "Ate, paki-akyat muna si Casteen sa kwarto niya" pakiusap ko naman sa yaya ni Casteen na hindi naman nagpalipas ng segundo para sumunod sa paki-usap ko.

"What did I just saw last night?" Seryosong tanong ni Zayd sa akin.

He’s trying to play it cool with me. Parang hindi makapaniwala pero kita na may galit o kung ano.

I knew it. They really thought it was me.

"Zayd! We're here to ask her, not to accuse her" pigil ni Kendric rito na puno rin ng pagaalinlangan sa kaniyang mukha.

Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko kayang mag maang-maangang hindi ko alam kung anong pinunta nila dito.

"Was it you? " diretsong tanong ni Asche na hindi nagpapakita ng kahit ano.

Walang pag dududa o pag aakusa.

"Asche-.." Pag subok ni Kierra na pigilan si Asche sa pag tatanong.

"Ariia, ikaw ba ang may gawa ng nangyari kagabi?" Diretsong tanong ni Asche.

Sa unang beses itong nagtanong ay mas kampante ako. Pero sa pagkakataong ito ay parang gusto niya na lamang akong paaminin na ako ang may gawa.

Nakaramdam ako ng sakit. Pakiramdam ko muli ay ako na ang itinuturo nilang may kasalanan dahil sa pag punta nila dito at pag tatanong sakin ng diretsahan. Pero hindi ko magawang magalit dahil naiintindihan ko sila.

Kung ibang tao ako, siguro ay iisipin ko ring ang isang Ariia Ferrer nga ang may gawa dahil kitang kita ang babaeng may lilang buhok na pumasok sa Carmine building sa gitna ng gabi at kasunod nito nangyari ang isang insidente.

Pero…

"Hindi ako." Matigas na sagot ko dito.

Sa pagkakataong ito ay sigurado akong hindi ako ang may gawa non.

"It's not her" isang lalaki ang pumasok sa pinto at walang alangang sumabat sa usapan. Nadal. "I'm with her, the whole night" tuloy pa nito.

He’s the only person who can prove it, with me.

"Who are you?" Iritang tanong ni Zayd sa nakisabat na si Nadal.

"My name isn't important. The important thing here is Ariia didn't do anything stupid last night at kaya naming patunayan iyon" ngayon lang ako nakakita ng isang pangkaraniwang estudyante na sumagot ng matapang kay Zayd na nasa ganitong mood at sa harap pa ni Asche.

He doesn't know what he's doing

"Enough Nadal, let me handle thi-.."

"Patunayan? Sige, then who did that? " nararamdaman ko na ang pag init ng dugo ni Zayd kay Nadal.

No, you don't wanna mess with Zayd.

Humarang ako sa harap ni Nadal pero hindi ko siya napigilan sa pag sagot.

"Kung sasabihin ba naming isa sa mga kaibigan niyo, maniniwala kayo? Of course not. But wait until I and Ariia have a solid proof." Ramdam ko rin ang tensyon sa boses ni Nadal.

Mabuti nalang at marunong mag pigil ng galit ang dalawang ito dahil parehas naman silang lamigin ang ulo.

"Isa sa mga ka-kaibigan? Who?" Hindi makapaniwalang sambit ni Kierra habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Nadal.

Gusto kong sabihin sa kaniya. Pero hindi muna pwede. Wala kaming matibay na patunay, hindi dapat malaman ni Xeya na alam na naming siya ang masamang tao sa grupo.

Agad akong nag iwas ng tingin at piniling manahimik.

"Let's get out of here" unang lumabas ng bahay si Zayd at hindi na hinintay ang pag sang-ayon ng tatlo.

"Ariia, I trust you. Even if I... " napapikit nalang si Kendric. Siguro ay naalala niya ang nasaksihan niya kagabi "just be careful. And don't let us down" pilit itong ngumiti at sumunod na kay Zayd.

I know Kendric trusts me, but not like before. Not after he saw Xeya being in a violet hair.

Damn! I can’t feel conscious about my hair right now! It’s back to it’s violet dye after I shower for more than an hour last night.

"Ariia please. Tell me. Baka maayos pa natin ito. Baka naman pwede natin siyang kausapin na-.."

"Kierra, let's go. Kyo died, all of us are hurt. Sa tingin ko ay hindi maaayos ng pakiusap ang gulo at sakit na nadala ng kung sino mang may kasalanan ng lahat ng ito. " wala ng nagawa si Kierra nang si Asche na ang nag salita.
Umiiyak namang umalis si Kierra habang inaalalayan siya ni Asche palabas ng bahay.

Damn! If only I can tell everyone that it wasn't my fault, that it was Xeya all this time. But hell, I just can't!

Sa huling pagkakataon ay lumingon si Asche sa akin at malimit na tinanguan.

Is that…

Asche is counting on me. I saw that.

All we need is a solid proof.


Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon