55th: Better without me

486 23 0
                                    

Pinili ko munang mag lakad lakad sa tabing dagat kahit na medyo nararamdaman ko na ang pagod dahil sa mahabang byahe kanina.

Si Nadal naman ay nauna na sa hotel at matutulog na raw ito. Malamang ay mas pagod ang taong iyon kesa sa akin na nagsalita lang ng nagsalita habang siya ay nagmaneho ng tuloy tuloy ng anim na oras.

Habang lumalalim ang gabi ay mas lumalalim ang kagustuhan kong malaman kung ano na ang nangyari sakanila lalo na't kasama parin nila si Xeya.

Ano na kayang nangyayari sa kanila sa bahay nina Saji. Sana ay mabuti ang lagay nila. Hindi ko mapapatawad si Xeya kapag may ginawa siyang masama sa mga kaibigan ko.

Natigil ako sa pag iisip nang maramdaman ko ang pag vavibrate ng cell phone ko sa aking bulsa

*Kierra calling*

Oh my gosh! What should I do?

Sasagutin ko ba to? Anong kailangan ni Kierra? It's almost nine in the evening, what does she want? H-hindi kaya may nangyaring -...

Dahil sa ideyang pumasok sa isip ko ay wala sa sarili kong sinagot ang tawag ni Kierra.

"Hello? Ariia. Thank God you answered. I thought your not going to answer my call" I heard a sigh of relief from her.

Nakahinga rin naman ako ng maluwag nang marinig ko itong mag salita at mukha namang mabuti ang lagay nila.

"Ariia, are you there?" Tanong nito nang hindi ako magsalita pabalik

"I-I am Kierra.. Ahem! What do you need?" Pilit kong pinapatapang ang boses ko.

I need to be tough for them.

"I just wanna check out on you. Where are you spending your vacation?" Tanong nito.

Nako, patay! Anong isasagot ko rito?

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung anong maaari kong isagot sa kaniya.

"Are you in your province? How's your family? Do they still know you? Are they treating you like one of them?" She continuously asked.

What is she talking ab-... Oh!

"Ah... Yeah. I'm good. Thank God they all still remember me." Simpleng sagot ko rito.

Mabuting isipin niya na nasa malayo ako para pagnagkataong makita man nila ako ay hindi sila agad maniniwala na ako ang nakita nila.

"H-How about you?"Pag babalik ko ng tanong para hindi halatang alam ko kung asan sila.

"I see. We're at Baler. Saji's place. " she stopped and I suddenly heard her sob "I wish you're here with us... A-alam mo, I can talk to everyone para maayos na natin ang gulo, then you can come over here and spend your vacation with us" Kierra continuously sobbing.

Naririnig ko sa kabilang linya ang mahinang boses ni Asche na nagpapatahan sa kaniya.

Mabuti nalang at meron si Asche.

"What? No, you can't do that. Just enjoy your stay there Kierra, I'm totally fine here" there I broke my guard down. Hindi ko napanindigan ang matapang kong boses ng marinig kong malungkot ang kaibigan ko dahil wala ako doon para makisaya sa kanila.

"Keirra..." Someone's voice I heard from the other side

"Ariia I need to go--.."

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon