52nd: She's Alive

489 25 0
                                    

Ngayon ang unang araw ng semestral break. Kadalasang ginagawa ng mga estudyante tuwing semestral break ay nagbabakasyon out of town, of the country, road trip, sleep over, punta sa resort, sa beach at kung saan saan pa. Pero andito kami ngayon ni Nadal sa coffee shop ng ate niya gumagawa ng research.

Research, I mean research tungkol kay Xeya. No one really knows her. Hindi namin kilala ang mga magulang nito, wala kaming alam tungkol sa kaniya.

Wala naman talaga akong pake sa personal niyang buhay pero siya ang gumawa ng dahilan para pakialaman ko ang buhay niya.

"Xeya Gomez" Nadal said while typing Xeya's name.

Nakakuha ako ng copy ng student's records sa laptop ni Mama nang hindi niya nalalaman. Kinuha ko iyon kaninang madaling araw kaya naman mas magiging madali para samin ni Nadal na makilala si Xeya.

Alam kong illegal pero wala na akong pagpipilian. Kailangan kong gumalaw ng mabilis. Kung hindi ay paniguradong may mas malala pa siyang gagawin hindi lang sa akin kundi sa aming lahat.

"Here..." Pinindot nito ang isang file na may pangalan ni Xeya at lumabas ang patong patong na impormasyong kinuha ng school tungkol sa kaniya.

"Xeya Shellie Lei Gomez " bulong ni Nadal "galing siyang probinsya, nakapasok sa Academy dahil sa isang scholarship galing sa isang charity. " pagsabi ni Nadal sakin ng maliliit na impormasyon. "High grades, scholarship contract, schedules, damn! Wala tayong mahahanap dito" reklamo ni Nadal.

Tama siya. Wala kaming mahahanap dito dahil panay good records ang andito.

Xeya Shellie... Shellie?

Parang pamilyar ang pangalang iyan. Hindi ko lang masyadong maalala kung saan ko narinig ang pangalang Shellie.

"Wala bang family records?" Tanong ko kay Nadal na agad namang nag halungkat.

"Father and Mother are deceased. 5 years ago. She's an orphan, lived with her grandmother that passed away last year. Siguro ay nang mamatay ang lola niya, umalis na rin siya ng probinsya. " konklusyon ni Nadal.

She's alone. All alone.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng awa sa kaniya.

Anong dahilan niya kung bakit niya nagawa ang lahat ng to? We never let her feel alone. It's not our fault if she's alone. And if she needed our help, all she need is to ask.

Gosh. Baliw ba siya at nagkataon na grupo pa namin ang pagtitripan niya?

"Wala tayong makukuha dito Nadal. " problemadong sambit ko.

"I know. If only we have sources on her personal things." Pag reklamo naman nito sabay sara sa laptop.

Shellie... Hmmm.. I still can't move on with her name. I know I heard it somewhere.

"Wait.... " I think I have an idea! "Lets go!" Hinila ko ito patayo ngunit hindi siya gumalaw at tinignan lang ako na parang bored na bored na siya sa buhay niya.

"Where?" Walang gana nitong sambit.

"Sa dorm namin." I smiled evilly

Mabilis na nag bago ang expresiyon nito ngunit hindi ang expresiyong inaasahan ko ang babakas sa mukha niya.

"Huh? Ariia anong balak mong gawin sakin? Jusko po! Inosente akong tao Ariia! -.. Aray! " pag inda nito sa pag batok ko sa kaniya.

"Sira ulo! Hindi kita type! " sigaw ko dito. Tumayo naman ito pero hindi parin sinimulan ang paglalakad. "I think Xeya moved to my bed space when I left inamorata" ngiti ko rito na nagpaliwanag sa mukha ni Nadal.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon