3rd: Soda and Spaghetti

923 29 6
                                    

Nag lalakad ako sa hallway palabas ng carmine building para makapunta na sa cafeteria, alam kong andoon na rin ang iba kong kasama para sa aming recess.

Abala ang mga estudyanteng nadaraanan ko sa pag didikit ng posters sa pader. Ngayon ang votings para sa bagong student's councils, Asche for President, Zayd for vice, Kierra for sec, Me for treasurer, Natha3rd Soda and Spaghetti

Nag lalakad ako sa hallway palabas ng Carmine building para makapunta na sa cafeteria. Panigurado kong andon na rin ang iba kong kasama dahil break na, maliban nalang siguro ang mga may klase pa.

Abala ang mga estudyanteng nadaraanan ko sa pag didikit ng posters sa pader. Ngayon ang votings para sa bagong Student's councils. Nabigyan ang lahat ng may gustong tumakbo para sa pwesto sa SC ng isang linggo para mangampanya. Sa sobrang kagustuhan ng mga estudyante ng pwesto sa SC ay balita ko nakabuo ng limang party list para sa eleksyon ngayon. Maraming matatapang.

Kabilang na kami sa mga lalaban para sa SC election. Asche for President, Zayd for Vice President, Kierra for Secretary, Me for Treasurer, Nathan for PIO, Bryon and Travis for Business Managers, Quen for Auditor, Brynn and Kyo for Public Relations Officer, Kendric, Aeco and Saji for PO, Hailey for Inamorata and I think wala silang nakuhang Escort para sa party list namin.

"Good morning SKYrans. Announcement; the school's gymnasium is now open for the election. " sabi ng isang boses ng babae sa likod ng mga speakers sa paligid.

"Riia!" Isang malakas na pag tawag ng lalaki mula sa likod ko.

Tsk. Ang ingay! Ang dami tuloy 'Riia'. Eh halos lahat ng nandito sa hall lumingon sa sumigaw eh.

"Ang ingay Kendi (Kendric) ah! " tawang sambit ko ng nakalapi ito sa akin at sinabayan na akong mag lakad palabas ng Carmine

Sa mga nanatiling Rebels dito sa Academy ay si Kendric ang naging pinakamalapit sa akin. Ewan ko ba, umalis kasi si Adlie eh. Sa lahat ng Rebels ay silang dalawa ang naging pinakamalapit sa akin lalo na nang tuluyan kaming makalabas nitong Academy ilang buwan na rin ang nakalipas.

"Sa gym or caft?" Taas kilay nitong tanong sa akin habang bakas na bakas sa labi ang malaking ngiti.

We are as excited as the other students with the result of the election. Specially now that everything will be done fair and square.

Walang patayang magaganap para lang sa pwesto sa SC

"Caft ako. Halatang hindi ka naman excited para sa pwesto mo no?" Sarkastiko kong sabi rito na ikinatawa niya ng bahagya.

Simula kahapon ay panay eleksyon na ang pinaguusapan ng barkada at nangunguna na si Kendric dyan.

"Baliw. Tara na nga, gutom na rin naman ako eh" sabi nito kasabay ng pag patong niya ng kaniyang braso sa balikat ko at mabilis na naglakad sa damuhan.

Eto na naman siya sa pag akbay niya para lang makapanghatak eh. Tsk. Napakagaling mangaladkad. Wala akong kawala eh.

"Ang init init Kendi! Pwede namang dumaan sa gilid" reklamo ko rito na mas binilisan pa ang lakad dahil sa init ng sinag ng araw.

"Malayo don, mas malapit rito, diretso lang" pataas taas pa na kilay nitong sabi.

Inirapan ko nalang ito at itinuon ang tingin sa aking daraanan. Mas mabilis nga kaming nakarating sa cafeteria dahil diretso lang ang lakad namin at dahil na rin sa ginawa naming pag takbo dahil sa sobrang init.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon