47th: Meeting the Anon

472 21 0
                                    


Bumalik na sa dati ang lahat. Umalis na muli sina Vienna, Adlie, at ang iba pa pagkatapos ng libing ni Kyo.

Everything went normal... Or not.

Wala na si Kyo, hindi ko na nakakausap ang kahit sino sa mga kaibigan ko, hindi ko na madalas na nakikita si Criexxen, mag-isa nalang ako. As in mag isa.

Isang linggo na rin ang lumipas nang huli kong makasama si Criexxen at nung isang araw ko naman siya huling nakita. Sa tingin ko ay umiiwas na talaga siya sakin pati na rin sa grupo, hindi ko na siya nakikitang kasama pa nila.

Isang linggo na rin akong nahihirapan tuwing makakasabay ko sa cafeteria ang buong grupo. Nahihirapan hindi lang dahil sa pinapanuod ko nalang sila at hindi na nakakasama kundi dahil na rin sa kapansin-pansin sa kanila ang lungkot.

Madalas ay tahimik at seryoso lang sila sa pag kain. Seryosong usapan pagkatapos ay isa isa silang mag aalisan. Madalas pa nga ay hindi sila nakukumpleto. Napapadalas ang pag alis ng iba, ang hindi pag sabay ng iba. Hindi na tulad ng dati ang lahat.

Sa madaling salita ay walang magandang bagay ang nangyari sa buong linggong nakalipas. At pakiramdam ko ay isa ako sa mga malaking rason kung bakit nangyari ang mga bagay na ito.

Kasalanan ko.

"Oh my gee! I can't wait for it!"

"Yeah! Like, I'm totally ready!"

"I can't wait to dance and be danced by... Oooh my gosh!"

Ilan sa maaarteng babaeng nadaanan ko sa hall ang nag uusap tungkol sa parating na ball.

Isang linggo nalang at gaganapin na ang Halloween Ball, at tulad nga ng narinig ko kanina, hindi na makatigil ang lahat tungkol rito.

Ang bagong pakulo ng mga EOC's ay costume party. So basically, tatakpan mo ang buong katawan mo, mag bibihis ka ng nakakatakot hanggang sa walang makakilala sayo.

I find it boring, pero okay na rin siguro iyon. At least kapag umattend ako, walang makakakilala sakin. Walang makakaalam na nasa party pala ang babaeng pagmumulan ng kaguluhan.

Nag lalakad ako ngayon papunta sa back stage hall. Dito na ako tumatambay kung hindi naman ako nakakaramdam ng gutom tuwing break. Iwas gulo, iwas ingay, at awa sa sarili na rin.

The perks of being alone is that you don't have anyone to compare yourself with but with the old you alone. Alone time is important.

Kahit wala akong ginawa sa buong umagang nakalipas ay pakiramdam ko ay pagod ako, physically. Pero pagod talaga ako emotionally at mentally. That will never change. Not until all this ends.

Umupo ako sa isang sulok at nag play ng music, malakas masyado para punan ang katahimikan sa buong hall.

"Always thought that I
Could always find someone
To take your place in me
I thought it would be easy" sumabay ako sa pag kanta dahil hindi ko magawang sabayan ito ng pag sayaw. Wala akong lakas.

"Never thought that I
Would find it hard
To leave it all behind the times
We got to spend together" Isang tao lang ang tumatakbo sa isip ko ng sabihin ko ang mga salitang iyan.

"It's not easy letting go
Time just seem to run so slow
Every night just seem
To last forever

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon