Kierra's POV
Nakatulog si Ariia kagabi dahil sa kaiiyak niya. Mula nang magalit sa kaniya si Travis ay nagsimula itong umiyak. Siguro ay dahil na rin iyon sa gulat. Ni hindi ko alam na kayang magalit ng ganon ni Travis. Tahimik siyang tao at maintindihin. Pero sa nakita ko kagabi, ibang iba siya. Paniguradong dahil rin yon sa ag aalala sa kapatid niya.
Wala kaming nagawa para pagaanin ang loob ni Ariia. Noong una ay akala namin natutulog na siya, pero hindi nagtagal na hindi nito napigilan ang pag hikbi at hindi na nito naitago pa sa ilalim ng kumot niya ang labis na pag iyak. Hindi naman namin pwedeng sabihin na ayos lang, dahil hindi talaga.
Nagkakagulo na kami. Nagkakawatak na ng unti unti ang grupo namin. Hindi ko alam kung pano kami umabot sa ganito. Ni hindi ko namalayan na unti unti na pala kaming nagkahiwalay ni Ariia. Hindi ko gaano naramdaman dahil naging madalas na kami lang ni Asche ang magkasama.
Siguro ay dapat lang na wag muna kaming magsarili ni Asche at subukang ayusin ang lahat sa grupo.
Kakausapin ko si Asche tungkol dito mamaya pagkagising niya. Pero sa ngayon ay mabuting pagmasdan ko muna ang mukha ng isang anghel na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Paniguradong pagod rin ang isang 'to dahil sa kaaawat sa mga kaibigan kong away ng away.
Tanging ako, si Asche, Brynn, Hailey, Angel, Xeya, Zayd, Kendric, at Criexxen ang nandito para bantayan si Ariia. Wala naman si Principal Meryll dahil nilalagnat si Casteen at panigurado ay abala rin ito sa Academy.
Sina Bryon, Saji, Aeco, Travis, Quen, Kyo at Nathan naman ay nasa kabilang room lang dahil sila ang nag babantay sa kapatid ni Travis. Kahit gusto ng mga magulang nila na sila ang mag asikaso at mag bantay kay Gianielle ay hindi nila magawa dahil marami rin silang kailangang ayusin. Ang bahay nila, ang press, ang mga awtoridad at kung ano ano pa.
*knock*knock*
Agad akong napalingon sa pinto kung saan nanggaling ang katok na iyon. Tatayo na sana ako upang puntahan ito pero naunang tumayo si Zayd at agad ring nakalapit sa pinto para buksan ito.
"Hindi pa siya nagigising?" Tanong ng pumasok na si Aeco dala dala ang dalawang paper bag.
"Hindi pa. Siguradong pagod iyan kakaiyak." Sagot ko rito.
Ilang saglit lang ay nagsimulang gumalaw si Asche sa tabi ko at nag inat. Ngumiti ako rito at kahit nakapikit pa ay agad itong yumakap sakin.
"Good morning" Bulong nito na ikinangiti ko naman at agad rin akong bumati pabalik sa kaniya.
" Sana ako rin ginu-good morning" Rinig kong sambit ni Aeco dahilan para maitulak ko ng bahagya si Asche.
Tsk. This guy! Kaya hindi parin ako komportableng nagiging sweet si Asche pag meron sila dahil sa pang aasar nila.
Mahinang napatawa naman si Asche at napailing nalang ako rito at kay Aeco na nakangiti rin ng nakakaloko sakin.
"May dala nga pala ako para sa inyo, breakfast. Pinadalhan tayo ng mom ni Tres nang marinig niya ang nangyari kagabi" pag iiba nito ng topic kasaby ng pag lapag sa side table ng dalang paper bag.
"Tres? Fernandez? " tanong ni Hailey na tumutulong kay Aeco sa pag labas ng mga container
"Ah... Y-yeah, galing ako sa kanila." Hindi comportableng sambit nito.
Kahit pa wala na si Tres ay hindi nalayo ang loob ni Aeco sa pamilya nina Tres. Naging mas madalas pa ang pag dalaw nito sa mga ito.
Hindi na nakakapagtaka kung bakit malapit si Aeco sa mga Fernandez. Matagal na silang magkaibigan ni Tres, at alam naming lahat iyan dahil siya ang pinakanasaktan sa pag panaw ni Tres.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Mystery / ThrillerEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...