"Huy, ba't ganyan itsura mo? Maganda naman don sa pinuntahan natin ah. " tanong ni Nadal nang nasa sasakyan na ulit kami para puntahan ang isa pang destinasyon ng grupo.
Hindi rin nasunod ang thirty minute na sinabi ni Saji kanina dahil nag extend sila doon ng dalawang oras dahil napagisipan ng karamihan sakanila na mag swimming muna at napiling doon na rin mananghalian.
Tsaka ko lang rin nalaman na may isang pool sa dulo ng resort na iyon at sa dulo ring iyon ay may matatagpuan ring mga bato kung saan mas malakas ang mga alon kaya andoon ang mga surfers na tingin ko ay mga taga sa lugar rin dahil walang mga turista sa parteng iyon.
"H-hah? Wala. Ano... Mauna na kaya tayo sa Ermita Hills? Para hindi mahalata na kahapon pa sila sinusundan ng kotse mo" pilit kong pag papatawa rito ngunit napangisi lamang siya.
"That's a good idea. Let's use Google maps" inayos niya ang kaniyang cellphone sa phone holder sa harap ngunit kinuha ko ito at ako ang nag access sa kaniyang google maps.
"Ariia, you know what? I saw Nathan and Melissa earlier..." Pag oopen nito ng topic.
I know he knew the reason of the sudden change of my mood.
"Yeah. So?" Kahit naiinis ako sa sinabi ni Nadal ay pinipilit kong maging cool lang.
"I know you saw them too" tawa nito kaya binatukan ko nalang.
Hay nako talaga Nadal! Kung hindi ka lang mabait sakin ay masasaktan talaga kita ng todo.
Hindi na namin hinintay pa ang pag alis ng sasakyan nina Saji at nauna na kaming umalis ni Nadal sa lugar.
Sampong minuto lang ang itinagal ng byahe ngunit hindi muna kami dumiretso ni Nadal papasok sa Ermita Hill at huminto muna sa bilihan ng buko sa tabi.
Hindi naman kami nagkamali ng desisyon nang makita ko ang sasakyan nila na tumigil sa tawid kung saan kami bumibili ng buko ni Nadal kaya automatiko nanaman kaming napatalikod ni Nadal.
Nang makababa sila at magpunta sa isang espasyo sa tawid ay tsaka ko lang napansin ang pinagmamasdan nilang mag estatwa ng ilang tao at tila isang alon na humahabol sa mga ito.
"What is that?" Tanong ni Nadal habang pinagmamasdan silang umaakyat isa isa papunta sa mga estatwa.
What the... pwede bang umakyat doon? I can't see any stairs. They're just climbing on the stones.
"Pwede po ba 'yong ginagawa nila?" rinig kong biglang tanong ni Nadal sa nagbebenta
"oo naman. Wala na nga gaanong pumupunta dyan dahil iyan lang naman ang makikita dyan" Sagot sakaniya ng ale na tila matagal nang naninirahan dito dahil rinig sa kaniyang tono ng pagsasalita.
"Ano po bang meron dyan sa mga estatwang 'yan?" Tanong ko naman rito habang pinapanuod parin sila sa pagkuha ng litrato nilang umaakto rin na umaakyat kasabay ng mga estatwa.
"Iyan ang Tromba Marina. Estatwa ng mga taong umaakyat sa bundok ng Ermita nang panahong lunurin ng Tromba Marina ang Aurora. Dito sa Ermita ang naging takbuhan ng mga nakatira dito sa Baler dahil dito ang pinakamataas na bahagi ng Baler. At ang mga nakaakyat sa itaas ng bundok ay ang mga tanging nakaligtas at kinikilala bilang mga ninuno ng mga tao dito sa Baler." Pagkekwento ng isang matandang lalake na tinatawag nilang Tatang habang pinapanuod rin ang mga kasama namin na nagtatalunan na pababa mula sa mga estatwa.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Mistério / SuspenseEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...