45th: Piece of Paper

478 21 0
                                    


Katatapos lang ng libing ni Kyo at andito muli kami sa bahay nina Zayd nag tipon tipon. Mabilis na lumipas ang oras dahil sa walang katapusan na kwentuhan kaya naabutan na kami dito ng gabi.

Sabi nila ay sulitin na namin ang oras naming magkakasama dahil marami ang babalik na muli sa kani-kanilang mga buhay tulad ni Jin, Traze, at ng marami pa sa amin.

Andito kami ngayon sa roof top kumakain. Katabi ko si Adlie at Kendric samantalang wala parin si Criexxen. Kahit sa libing kanina ay hindi ko siya nakita. Wala ni anino niya, o kahit message man lang sa isa sa amin na magsasabi kung bakit siya wala.

Nakakapagtaka na kung anong nangyayari sa kaniya.

Abala ang lahat sa sari-sarili nilang mundo, habang ako naman ay nakatitig lang sa mesa kung saan inaayos ng iba ang mga kabibiling inumin.

"Ariia, can we talk?" Biglaang pag tawag ni Zayd sa akin dahilan para makuha rin ang atensyon ng dalawang katabi ko.

Magsasalita na dapat si Kendric ngunit pinigilan ko ito at agad na akong tumayo at sumunod sa kaniya sa pag pasok sa loob ng bahay.

"What is it?" Tanong ko rito.

Nagtataka ko itong tinignan ngunit wala akong makitang kung ano sa ekspresyon niya. Blanko ang mukha nito. Nakakatakot.

He handed me an envelope. He seems serious and it gives me chills seeing him like this, I'm not used to this kind of Zayd.

Binuksan ko ang envelope at nabitawan ang isang papel na una kong nahugot palabas ng envelope.

Pano napunta dito ang bagay na iyan?

Isang papel pa ang inilabas ko at tahimik itong binasa.

'Ariia's suspects. Seems like she doesn't spend time to be with all of you for nothing, not even to be her friends again. It's like she's just hanging with all of you because of her investigation. Ariia doesn't trust anyone, you shouldn't trust her either.'
-someone you might know'

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Mabilis akong nag angat ng tingin at nasalubong ko ang walang expresyong tingin ni Zayd.

"Totoo ba to?" Itinuro niya ang kamay kong nakahawak sa kapirasong papel na una kong nahugot kanina.

Hindi ko mapanatili ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin at lalong hindi ko alam kung maiintindihan niya ba ako.

"I... I wrote that." Pag amin ko.

Sa tatlong salitang iyon ay automatikong napatalikod si Zayd sa akin at napahilamos sa sobrang pagkabigo sa pag amin ko.

"You're suspecting our friends? " hindi makapaniwala nitong sambit nang muli nito akong harapin.

Sa pagkakataong ito ay puno ng pagkadismaya ang boses nito. Hindi makapaniwala sa mga pangalang pinagsusulat ko sa kapirasong papel na ito.

"No! ... I mean, -.. I am-.." Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung anong klaseng pagpapaliwanag ang gagawin ko.

Tuluyan akong hindi nakaimik nang biglang isang kamay ang humablot sa hawak kong papel.

"You what?!" Isang malakas na boses mula sa aking tabi

Damn it! Bakit kailangan pang makalabas ng bagay na to?!

"I-it's just that..." I wanted to explain but I don't know how!

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon