33rd: My Fault

476 19 2
                                    

Mag-isa ako ngayong nag hihintay sa kanila dito sa cafeteria dahil maaga kaming na-dismiss sa last subject ko.

Naging sentro rin ako ng atensyon kanina dahil tanging pagsagot sa pangangamusta ng teachers at ilang estudyante ang ginawa ko buong maghapon.

Hindi pala nakaligtas sa pagkalat ang balita tungkol sa pagbibigay ng threat sa buhay ko at mga hakahaka lang ang alam ng karamihan sa nangyari sa pool area.

Marami akong naririnig na dahil sa pagrereyna reynahan ko noong nakaraan ang dahilan ng pagkakaroon ng death threat at marami parin ang galit sa aking dahil doon. Samantalang sa nangyari naman sa pool area, ang tingin lang ng iba ay hindi ko lang nagawang tulungan si Melissa at hindi ako ang may gawa non sa kaniya. Pero marami ang hindi sang-ayon sa balitang iyon dahil may mga nakakita sa pagsampal at pagpwersa ko sakaniya na pumunta sa pool area.

Gayun pa man ay minabuti ko nalang na wag makinig sa mga sinasabi nila.

Hindi ko alam kung paanong nangyari na sirang sira na pala ako sa mata ng marami.

Kung dati ang tingin nila sa akin ay reyna na hindi mo gugustuhing makabangga, ngayon, reyna reynahan nalang dahil ampon ng Principal.

My worst nightmare came, and I cannot do anything about it.

"Asan na sila?" Bungad ni Kierra kasama si Angel na umupo sa magkabilang gilid ko

"Kinuha ni Hailey 'yong mga pagkain sa dorm, papunta na rin iyon. How 'bout Brynn? " balik na tanong ko naman sa dalawa

"Gate, as usual. " Angel shrugged

Oo nga pala. How did I forgot?

"Ariia! " mabilis na lumapit sa akin si Kendic at umupo sa tapat ko.

"What? " pang gagaya ko sa alalang tono sa boses nito na ikinatawa naming mga babae

Umirap ito sakin at umupo naman sa tapat ko.

"I'm worried sick! Tapos lolokohin mo lang ako? Ano bang nangyari sayo kagabi?" Seryoso parin ang boses nito sa pag tatanong.

He really is worried.

"Oo nga. Dapat hindi ka umuwi mag isa. Sana naihatid ka namin pauwi" Komento naman ni Zayd na umupo sa tabi ni Kendric

Nagsidatingan na rin ang iba at umupo sa mga bakanteng upuan.

"Don't mind what happened last night. Tapos na 'yon, nangyari na. All we can do is to just be safe. " pilit na ngiti ko sa kanila

All you have to do is to stay out of my mess and be safe.

"Tama" napatingin naman ako sa dumating na si Hailey kasama si Bryon dala ang mga boxes na nag lalaman ng mga binake namin kaninang umaga.

"Wooooow! Ang dami naman neto" sambit ni Quen at tinulungan si Hailey sa pag lapag ng mga dala nito

"Anong meron?" Tanong naman ni Kyo

"Wala lang. Napagtripan lang naming gumawa." Sambit ng kararating na si Brynn kasama si...

"Rancooooor! Mabuti naman at naisipan mong pumasok dito, at hindi lang manatili sa gate!" Masayang bati ni Aeco rito kasunod ng pag iingay rin ng iba sa pag dating ni Rancor

"Tss. Wag ako ang sisihin niyo, hindi naman ako 'yong pumipigil sa sarili ko sa pag pasok rito eh." Sambit nito habang nakatingin sa kapatid na napairap nalang.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon