60th: The Game

567 22 0
                                    


"Can we talk?" Simpleng sambit nito.

Hindi ko ito matignan ng diretso sa mukha pero nagawa kong sumunod sa pag lalakad nito palapit kung saan nakaayos ang bonfire, at medyo malayo sa pool kung saan nagbabasahan sila.

"I missed you" panimula nito.

I missed talking to you too Nathan.

Gusto kong sumagot pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot.

"It's great having you around again. Masaya akong unti unti nang naayos ang lahat sa grupong ito. " siya lang ang nag sasalita at nanatili ako sa panunuod sa apoy na sumusunog sa mga kahoy na nasa harap namin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko.

"Ariia, is there any chance that we can fix our relationship too?" Sa pagkakataong ito ay napaangat ang tingin ko sa kaniya at siya naman ang nag iwas ng tingin.

Kahit pa sa mga kasama namin ang tingin niya ay kita ko sa mga mata niya ang repleksyon ng apoy na nasusunog sa harap namin, pero kapag mas tititigan ng mabuti, makikita sa mga mata ni Nathan ang pakikiusap, pagmamakaawa, sinseridad.

Mabilis kong inalis ang tingin ko kay Nathan. Hindi ko alam ang isasagot ko rito. Gusto kong sumagot ng 'Oo' pero natatakot ako. Natatakot na baka sa isang pagkakamali muli ay iwan niya ako, na baka hindi niya ako magawang ipaglaban sa mga magulang niya. Hindi ko kakayanin.

"I-I don't know, Nathan... Natatakot ako" pag amin ko sa totoo

"Ariia, I'm sorry for everything that I have done. Sorry dahil nagpadala ako sa galit ko, dahil hindi ako nag tiwala sayo. Please, let me fix everything. Let me bring back the old us. This time, hindi na ako magkakamali, this time, ipaglalaban kita. This time, everything will be alright " kaya ayaw kong tumingin sa kaniya. Masyado akong natutukso sa pagiging totoo ng mga mata niya.

Hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha ko dahil sa mga sinabi niya.

I've waited for a long time to hear this directly from him. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng takot kong mag tiwala ulit sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. Gusto kong mag tiwala ulit kay Nathan, gustong gusto ko.

"-.." Mag sasalita na sana ako ng biglang dumating ang lahat at nakisiksik sa pagitan namin ni Nathan.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at umayos ng upo.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pag sulpot ng lahat o mainis dahil hindi ko nagawang sabihin ang gusto kong sabihin sakaniya.

Hindi ko tuloy alam kung ayos na ba kami o hindi parin dahil hindi naman natapos ng maayos ang usapan namin.

"Okay! Andito na ba ang lahat? " Masayang sambit ni Saji kasabay ng pag libot ng paningin nito sa palibot ng apoy

"Yes" we excitedly said in chorus

"So this time, we'll play a game. A get to know each other game. " Naramdaman ko na ang kakaibang pagtitinginan ni Saji at Asche nang marinig ko ang sinabi ni Saji. "Just feel free to tell us everything about yourself, at dahil ako ang nag bigay ng instructions, ako na rin ang magsisimula" patuloy nito

This may be a part of Asche's plan.

Aside from catching who would be the fake one here, we'll also get to know each other well since we just know a little about each other.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon