10th: Casteen

615 27 0
                                    


Tahimik ako habang nakatitig sa salamin kung saan ko tinitignan ang repleksyon ng buhok ko habang ito ay nababalot ng kung anong bagay.

Hindi ko pa alam kung anong maaaring maging kalabasan ng buhok ko since ipinaubaya ko na ang pag aayos nito sa hairstylist ng salon. Ilang oras na rin ako sa ganitong posisyon. Kita ko naman ang repleksyon ni Angel sa salamin na nag hihintay sa akin.

"Angel, " tawag ko rito. Nag angat ito ng tingin mula sa pagkakayuko dahil sa kaniyang pag babasa.

"Siguro mauna ka na sa academy, baka hindi ka umabot pag hihintayin mo pa ako." I smiled at her.

"H-ha? Pero wala kang kasama " pag aalangan nito.

Kailangan niya nang bumalik ng Academy dahil baka masaraduhan siya ng gate. Isinasara ang gate ng Academy tuwing gabi para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante sa loob.

"Sa bahay nalang ako tutuloy. I think matagal pa to" turo ko sa buhok ko.

Nag paalam na kami sa isa't isa, nasabihan ko na rin ang driver ni Mama na ihatid si Angel sa academy bago bumalik rito para naman ihatid ako sa bahay.

*Fastforward*

"Ma," Pag tawag ko kay Mama nang makapasok ako ng bahay.

Hindi ko siya nasabihan na dito ako tutuloy nagyong gabi dahil sa nalowbatt ang cellphone ko habang nag hihintay sa salon kanina lang.

"Ariia you're here... And your... hair" lumapit ito sa akin at saglit na yumakap, agad na kasunod nito ay ang pag hawak at hagod niya sa buhok ko.

"Is it bad? " hinawakan ko rin ang buhok ko sa pag tatanong sa kaniya.

"No, you look great" malaking ngiti nito kasabay ng muli niyang pagyakap sakin.

Napangiti naman ako pabalik rito.

Kung alam mo lang Ma, kung bakit ko kinailangang gawin 'to sa buhok ko. Hinding hindi mo magugustuhan.

"Oh by the way! I want you to see something" mabilis akong hinila ni Mama paakyat sa kaniyang kwarto.

Nang makaakyat kami ay saglit naman akong hininto nito sa tapat ng kaniyang pinto at nag sign siya sa akin na tahimik lang ako.

"What is it?" I asked with the normal volume of my voice.

Agad ako nitong pinanlakihan ng mata at tinakpan ang bibig ko dahil sa gulat ngunit agad rin namang ngumiti.

"Oh, sorry" I whispered as we both chuckled.

Dahan dahang ibinukas ni Mama ang pinto. Hindi ko naman maintindihan ang laman ng kuwarto niya. It's filled with stuff toys, bears, it was painted with pink and designed with flowers on the wall.

"Ma, what happened to your room?" Muli ay pinanlakihan niya ako ng mata ng mag tanong ako sa kaniya ng may kalakasan ang boses kaya ako na mismo ang tumakip sa bibig ko dahil sa gulat.

Ngumuso ito sa bandang likuran ko kaya lalo nanamang nadagdagan ang pag tataka sa mukha ko.

Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran at nakita ang isang pink crib doon.

"What's with this?" Mahinang tanong ko sabay turo sa crib...

Ngumiti lang ito sa akin at hinila ako papalapit sa crib na iyon.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon