1st: Party's Over

1.3K 38 2
                                    

Kagagaling ko lang sa Principal's office dahil kinailangan akong kausapin ni Mama para sa ilan pang mga papeles sa pormal na pag ampon niya sa akin. Pumayag naman ang malalapit kong kamag-anak na nakatira sa malalayong lugar. At mabuti naman ay naintindihan nila ang desisiyon kong magpaampon, though hindi ko naman pinapalitan ang surname ko.

"Ariia! " rinig kong tawag ng kung sino mula sa di kalayuan.

Mabilis kong nilakad ang konting pagitan ko sa mga kaibigan kong natipon sa isang lilim ng puno sa tree fields.

"Saan kayo mamaya?" Rinig kong tanong ni Kendric kasabay ng pag upo ko sa tabi ni Brynn

Here comes their plans for the night again. Tsk tsk.

"Party na tayo! Last na to oh. Pasukan na ulit" pag aya sa amin ni Zayd na sinangayunan naman nina Quen, Saji, Aeco pati na rin ni Kendric.

He has a point there, though we never stopped going to parties these past few weeks. Para kaming ibong nakalaya mula sa maliit na hawla at gustong dapuan ang lahat ng punong kahoy na pwede naming dapuan. Wala pa man sa tamang edad ang karamihan sa amin ay ginagawan nalang namin 'yon ng paraan.

Sa huli ay sumang-ayon rin kaming lahat sa plano ni Zayd. Huli na ito at hindi rin magiging matagal ang pag party namin mamaya dahil may pasok bukas.

Pag katapos naming mag usap-usap ay napagdesisiyonan ko nang umuwi sa bahay. Isang linggo nalang ulit at hindi na ulit ako dito titira. Patapos na ang renovation ng Inamorata at Escort's building.

Mas pinili namin nina Kierra at ng iba pa na manirahan nalang ulit sa school. Well, pwede parin naman kaming umuwi anytime we want.

Quarter to five na nang makatanggap ako ng text mula kay Nathan.

Nathan*

I'll be there in 5 minutes. Wait for me.

Hindi ko na ito nireplyan at ipinagpatuloy ko nalang ang pag suklay ko sa aking buhok.

Ang plano namin ay mag kita-kita muna sa bahay nina Zayd since ang bahay naman nila ang pinakamalapit sa isang bar na madalas naming pinupuntahan. Kilala na rin kami ng ilang empleyado doon kaya hindi na pahirapan para samin ang pagpasok.

Ilang minuto ang lumipas at narinig ko na ang pag busina ng sasakyan mula sa labas. Paniguradong si Nathan na iyon kaya mabilis akong lumabas ng kwarto ko at bumaba.

Wala pa dito si Mama. Malamang ay nasa Academy pa 'yon at abala sa maraming bagay dahil bukas ay pagsisimula na ng klase.

Pagkasara ko ng pinto ay wala na akong inaksayang oras sa pagpunta sa isang sasakyan na nakahinto sa labas ng gate.

Pagkabukas ko sa pinto ng passenger's seat ay agad kong natanaw sina Kendric at Saji sa likod na nag iingay kasabay ang tugtog mula sa sasakyan.

Tsk. Kailangan talaga sila ang mag kasama? Ugh!

"Hey, Riia, what's with that frowning?" Nakasigaw na tanong sa akin ni Saji.

Hindi ko ito pinansin at pinahinaan ko nalang ang volume ng pagpapatugtog nila.

Hindi ba sila nabibingi? Tsk.

Oh wait... Kendric and Saji? Mabibingi? Eh sila mismo ang ingay. Malamang ay hindi mabibingi ang dalawang 'to. Tss. At isa pa, wala lang namang gagawin ang dalawang 'to kundi-..

"Stop frowning, hindi namin kayo iistorbohin ni Nathan! Don't you worry!" Pagsisimula ni Kendric na sinabayan naman ng sobrang lakas na tawa nila ni Saji.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon