Ilang araw na rin nang makalabas si Nathan sa ospital, at hanggang ngayon ay hindi ko parin muling sinubukan na lumalapit sa mg kaibigan ko. Hindi ako sumasabay sakanila tuwing break, hindi rin ako sumasabay sakanila tuwing lunch, at hindi na rin ako sa dorm naninirahan. Umuuwi na ako lagi sa bahay kasama si Mama.
Minsan ay sinasamahan ako ng kung sinong hindi galit sakin sa grupo kapag break o lunch, pero madalas ay si Xeya, Criexxen at Kendric ang nakakasama ko.
Kahit gustong gusto kong lumapit ay hindi ko na sinusubukan pa, sigurado namang magagalit lang sa akin si Quen, at ayoko ng makagulo pa sa kanila. Mukha naman silang masaya.
"Huy! Ariia! Ano? Puntahan mo na kasi 'yang mga kaibigan mo!" Xeya snapped in front of my face.
Mula sa malayo ay pinapanuod ko ang mga kaibigan kong masayang nag la-lunch.
Parang walang nagbago at mukhang ako talaga ang nagdadala ng gulo sa grupo dahil mukha naman silang problema habang kaharap si Nathan at Melissa.
I sighed and looked at the three that I'm with but they immediately looked away.
Nabaliktad na nga talaga ang mundo. Ang dating tinitingala at isa sa mga tinuturing na matataas ay kinakaawaan nalang ngayon dahil hindi na kabilang pa sa grupo.
"Criexxen, Kendric, pumunta na kaya kayo don? Okay lang naman kami ni Xeya dito. " pamimilit ko sa dalawang mas madalas na ring sa amin ni Xeya sumasama.
"Tss. Di naman tunay na masaya iyang mga 'yan eh. Sa tingin mo? Totoong masaya sila kung hindi sila nag papatawad? " sambit ni Kendric habang nakatingin rin sa kanila
"Oo nga naman. Tsaka wala ka naman talagang kasalanan eh" sunod na sambit ni Criexxen.
Si Quen lang naman ang alam kong malaki ang galit sakin dyan eh. Pero naiintindihan ko siya, matalik niyang kaibigan si Nathan at hindi niya basta basta mapapatawad ang mananakit sa kaibigan niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay ganon rin naman ang gagawin ko.
Naalis ang tingin ko sakanila nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa kaya agad ko itong kinuha.
Kierra*
'Gusto mo bang puntahan kita jan?'
Agad ko itong tinignan at pilit itong nakangiti at nakatingin sa gawin namin.
'No need, we're good' mabilis kong pag sagot sa text niya.
She never failed to ask me how things are going for me, checked on me, and tried to talk to me. But I always refuse to answer and choose to leave her alone.
Ilang araw lang ang lumipas pero naging malaki ang pag babago sa pagitan ko at ng mga kaibigan ko. Nalayo ako lalo sa kanila, at tulad ng malaking pag babago, naging malaki rin ang binago ko sa sarili ko.
I always wear make up. To hide swollen eyes, to hide eye bags. Alam kong makapal ang make up na suot ko para matago ang mga ito, pero mas pipiliin ko naman ang makapal na make up kesa mag mukha akong zombie diba? I even wear shorter skirt tulad ng sinusuot ko nung una akong magpakita ng pag babago sa sarili, at heels ulit ang gamit ko ngayon.
I know I don't have to do all this change, but I don't want to look pitiful for everyone.
Sa lumipas na mga araw ay nag iba rin ang pakikitungo sakin ni Melissa. Mas naging mabait ito sa akin.Nag iiwas ng tingin kapag magkakasalubong kami, hindi niya ako magawang tignan, pakiramdam ko nga ay umiiwas rin ito. Tipong may takot sa mukha niya tuwing makikita niya ako.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Bí ẩn / Giật gânEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...