Nasa daan ako ngayon papuntang Academy para sa last day before semestral break. Passing lang ng requirements ngayong araw at walang formal class. At bukod sa pagpapasa ng mga huling papel na kailangang ipasa ay oras rin para magpaalam sa mga kaibigan para sa isang lingggong hindi pagkikita kita.
Kasama ko ang tahimik na si Nadal habang nag dadrive. Hindi namin napaguusapan ang nangyari noong isang araw. Sa tingin ko naman ay hindi na rin pinaalam pa nina Zayd, Kendric, Kierra at Asche ang nalaman at nakita nila ng gabing iyon dahil wala naman akong natanggap na reaksyon mula kina Quen at sa iba pa.
Mabuti na rin at hindi na nila pinaalam pa dahil paniguradong dadagdag lang ito sa problema. At isa pa, wala pa kaming nahahanap na patunay ni Nadal na hindi nga ako ang may gawa ng bagay na iyon.
"Can I ask you questions?" Pag basag nito sa katahimikan.
Lumingon ako rito ngunit seryoso lang itong nakatingin sa daan.
"Yeah" tango ko rito kahit na may pag aalinlangan sa boses ko.
Matapos ang nangyari ay naging mas seryoso siya sa mga bagay na nangyayari sa akin. Siguro ay mas naintindihan niya na hindi basta basta ang nangyayari.
It's not just a typical high school student's fight.
"How long have you known Xeya? Pano ba kayo naging magkaibigan? At pano siya napasama sa grupo niyo? Is she an old student?" Sunod sunod na tanong nito.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sunod sunod nitong pag tatanong at sa bakas ng sobrang kuryosidad sa mukha nito. Pero mukha siyang seryoso.
Napangisi ako saglit rito na ikinalingon niya naman at binigyan ako ng seryosong tingin.
Damn! He's taking everything seriously now. Good thing, but really not so Nadal.
"Days after SKY Academy reopened to public, I met Xeya. Actually, hindi naman sadya na nagkakilala kami. I mean, she didn't approached me. Nagkataon na naging magkaklase kami, then partners sa isang project." Sagot ko rito habang inaalala kung pano ko nakilala si Xeya.
Hindi ko maisip na siya ang may gawa ng lahat dahil na rin sa nagkataon lang na nagkakilala at naging magkaibigan kami. Ni mukhang hindi siya lalapit sa akin kung hindi kami naging mag partner sa isang project.
She's so into studying, and I'm into my social status. We don't meet.
"So pano naman siya napasama sa inyo? Councils are known as tough and rough students. Idagdag pa ang kumakalat sa buong Academy ang pagiging mga... I'm sorry, i didn't mean anything offensive" he shrugged and focused on the road again.
Kumakalat sa buong Academy? Councils are aware about that thing. Nang kakabukas ng Academy, naramdaman naming mga dating estudyante nito ang diskriminasyon. Kinakatakutan ng mga bagong estudyante. Like what Xeya's reaction when she knew that I'm a council member.
"I brought her to the group." I said emotionless.
Kung iisiping mabuti, kasalanan ko pala talaga.
Ako ang nag dala kay Xeya sa grupo. Dahilan kung bakit naging mas madali para sa kaniya na sirain kami. Dahilan para hindi namin siya pag hinalaan.
Damn it I'm so stupid! Am I that desperate to have more friends and attention? Am I that unloved?
"You're not blaming your self again, don't you?" Ngisi ni Nadal nang mapansin nito ang muling pag tahimik ko matapos ko siyang sagutin.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Gizem / GerilimEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...