62nd: Old House

541 22 0
                                    



"Ariia..." May halong pangamba akong lumingon kay Melissa nang marinig ko ang boses nitong nanginginig sa pag tawag sakin.

Nakita ko sa mukha nito ang takot, gulat, at kung ano ano pang ekspresyon habang nakatingin lang sa screen ng laptop at hindi sa akin.

Dahil sa kakaibang inaakto nito ay muli akong tumingin sa screen at...

"It's not her. " mahinang sambit nito.

Tsaka ko lang napansin na hindi nga si Angel ang nasa litrato. Malayong malayo.

Damn it! What the hell is happening?!

Lahat ng sinabi ni Angel ay nag tugma, pero hindi niya litrato ang nakalagay dito kundi litrato ng kung sino na hindi ko pa nakita sa Academy kahit minsan.

"Aaahh!-.." Napalingon ako dahil sa narinig kong putol na pag sigaw ni Melissa.

Angel...

"Oh... So narinig pala ng chismosang ito nang tawagin ako ni Criexxen sa pangalang Shell. " hawak nito sa buhok si Melissa na nawalan ng malay habang nakahiga sa sahig.

Hindi ko ito pinansin at agad na lumapit kay Melissa.

Anong ginawa niya?!

Ibang iba ang awra ng Angel na kaharap ko.

Kung tutuusin ay kayang kaya ko siyang patumbahin ngayon, pero hindi ko maisip na itumba si Angel. Hindi ko matanggap na siya ang kasabwat ni Xeya.

"Pano mo nagawa to? Sino ka ba talaga?! -.."

"Wag kang maingay! Wag na wag kang magkamaling gumawa ng ingay o tutuluyan ko ang haliparot na ‘yan" Sambit nito kasabay ng pag tutok nito sakin ng kutsilyo dahilan ng pag layo ko at pag lapit niya kay Melissa na siya namang tinutukan niya.

Hindi ako makagalaw. Baka kung anong magawa niya kay Melissa.

"Hi there dearest friend" mula sa isang bukas na bintana ay pumasok ang isang taong hindi ko inaasahan.

"P-pano ka nakapasok dito?" Gulat kong tanong rito habang pinapanuod siya sa pag lapit sa pwesto ni Angel at Melissa.

Umirap ito sakin "nagawa ko nga kayong paikutin ng ilang buwan, tapos hindi ko magagawang pumasok sa bahay na to? Wala ka talagang bilib sakin" tumawa ito tsaka muling umirap

Nababaliw na siya.

"Sino ba talaga kayo? A-ano bang kailangan niyo? Bakit niyo ba ginagawa to?" Hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses ko.

Hindi ko inaasahan na dalawa sa mga taong pinagkatiwalaan ko ang nag babanta sa buhay ko at buhay ng mga kaibigan ko ngayon.

"Tsk. Ang dami mong tanong!" Lumapit sakin si Angel at pinatayo ako habang nakatutok sakin ang sobrang nipis na kutsilyo. Isang maling galaw ay mahihiwa ako ng todo nito.

Lumabas kami sa bintana kung saan pumasok si Xeya. Isang lalaki mula sa labas ng bintana naman ay nag buhat kay Melissa palabas ng gate kasama si Xeya habang ako naman ay hinihila ni Angel palabas ng gate dito sa likod.

Damn it! I need to do something!

Ariia do something!

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!-.." Malakas na sigaw ko pero mabilis rin akong nakaramdam ng malakas na palo sa ulo ko dahilan ng pagkahilo.

Sana narinig nila. Sana kahit isa may nakarinig sa kanila.

"You’re so loud b*tch! " narinig ko ang pag sara ng sasakyan at ang pag andar nito. "You wanna know who I am? I am Angel. Shell. Almonte. Daughter. Of Jun. Almonte." Huli kong nakita ang ngisi sa mukha ni Angel bago ko maramdaman ang pag sapak nito sakin.

I can't handle the dizziness anymore...

**

Nathan's POV

Nasa dining room na kaming lahat maliban sa dalawang nag punta sa CR.

Sana naman ay hindi sila magkagulo doon. Mukha naman na silang ayos, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may mali sa dalawang iyon.

Masayang kinakausap ng Mom ni Zayd ang bawat isa sa amin. Tinatanong ng kung ano ano at nagkekwento ng kalokohan ni Zayd kaya naman hindi makatigil sa pag tawa ang mga kasama ko habang si Zayd ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili sa kahihiyan.

I should be laughing with everyone but I just can’t.

Bakit parang ang tagal naman ata ng dalawang iyon? Ano na kayang nangyayari sa kanila? Sana ay hindi talaga sila nag aaway.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Quen sakin na katabi ko nang mapansin nito ang biglaan kong pag tayo ko.

"Pupuntahan ko na sila. Ang tagal eh" sagot ko rito na medyo ikinatahimik ng lahat.

"Ah.. Ako nalang Nathan, ako na ang mag tatawag sa kanila" pag piprisinta naman ni Angel kaya bumalik na ako sa pagkakaupo at hinayaang si Angel ang mag tawag sa dalawa.

Bumalik ang kaninang ingay sa dining table. Masayang nag uusap ang lahat habang ako naman ay hinihintay parin ang pag dating nina Ariia.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam na parang may mali.

Nag hintay pa ako ng ilang saglit pero pati si Angel ay hindi na rin bumalik.

Ano bang ginagawa nila?

Ilang saglit pa nang nag pasya na akong tumayo at lumabas na ng dining room nang biglang...

"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!" Rinig kong pag sigaw ni Ariia. Hindi ako pwedeng magkamali boses ni Ariia ang sigaw na iyon.

Sunod sunod na nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan ko ang mga iniwan ko sa dining room at puno ng pag tatakang nakatingin sa akin. Panigurado ay narinig din nila ang sigaw ni Ariia galing kung saan sa labas.

Labas…

"Ano yon?! " Alalang tanong ni Quen

"Asan sila?" Tanong naman ni Kierra habang dahan dahang naglakad papunta sa CR Kierra

"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ni Tita Hilda

"Mom, mom... Umalis nalang muna kayo dito sa bahay. Puntahan mo muna si Dad sa office, or pumunta ka muna sa salon or kahit saan" sagot ni Zayd sa mom nito na wala ring nagawa kundi maghanda para sa pag alis "sumunod kayo sakin" mabilis na tumakbo pabalik ng dining room si Zayd at lumabas sa isang pinto mula roon.

Bumungad samin ang isang gate na bukas at isang padlock na wasak.

Mabilis akong lumabas ng gate at wala na akong naabutan. Isang van at isang motor ang magkasunod na umaandar palayo dito kung saan ako nakatayo ngayon.

"Tara na!" Sigaw ni Asche na nakasakay sa driver’s seat ng van.

Mabilis akong sumakay tulad ng iba at pinaharurot na ni Asche ang sasakyan.

What the f*** is happening here?! Tatlo ang nawawala, sino sa kanila ang kasabwat ng anak ni Jun Almonte?

Isa lang ang sigurado ko, hindi si Ariia iyon.

Nagkakagulo na ang lahat dito sa sasakyan. Hindi na namin alam ang gagawin namin. Pakiramdam ko ay nauulit ang mga nangyayari.

Dinala kami ng pag sunod namin sa motor sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Maraming mga puno sa paligid at hindi gaanong magkakadikit ang mga bahay.

Kita ang kalumaan ng lugar dahil sa kalawang na bumabalot sa bakal na gate at nalulumang kahoy na siyang bumubuoo sa bahay.

Mula sa di kalayuan ay nakita namin ang motor na nakatigil sa labas ng gate, at ang van naman na nakapark sa loob.

Gusto ko nang pumasok sa bahay na iyon at ilabas si Ariia. Sigurado akong nasa loob siya ng lumang bahay na ito.

"Nathan wag! " pigil ni Asche nang akmang bubuksan ko ang pinto ng van at itinuro sa akin ang mga lalaking nag babantay sa gate.

"May mga bantay... Maraming bantay" rinig kong sambit ni Bryon mula sa likod.

"Isara niyo lahat ng bintana "  utos ni Asche na sinunod naman naming lahat.

Pinaandar nito ang sasakyan hanggang sa makalagpas kami ng bahay na iyon at lumiko sa pinakamalapit na likuan at doon ito nag park.

"Maiwan na kayo dito Kierra, -..."

"What?! Asche naman-.."

"No! Stay here. Kung pupunta tayong lahat, mabilis tayong mapapansin. " matigas na sambit ni Asche na siyang ikinatango ng iba dahil sa punto niya.

"Papasok ako" seryosong sambit ko rito

"Ako rin" walang alinlangang sabi ni Kendric

"Sasama na rin ako" pag sama naman ni Quen

"Sige, ako na rin" huling sabi ni Rancor.

Mabilis kaming gumalaw nang sabihin ni Asche ang plano. Nag hintay kami sa likod ng madadahong halaman hanggang sa simulan na ng mga naiwan sa van ang plano.

Nakatatlong pabalik balik na sila sa tapat ng bahay pero hindi parin ito pinapansin ng mga gwardya. Ngayon lang rin namin nakita ng mas malinas na ang ilan sa kanila ay armado.

Pang apat na balik na at sa wakas, pinara ng isang gwardya ang van. Tulad ng plano, ng palibutan nila ang van at umakyat kaming lima sa di kataasang bakod.

"Aaaaaaaaahhhh! Tama na sabi! Kung papatayin niyo ako, ako lang! Wala pa siya nang mangyari ang lahat!" Rinig kong sigaw ni Ariia mula sa loob.

Wag! Ano bang sinasabi mo Ariia?!

Nadal's POV

Ako ang nag prisintang mag drive ng van nang marinig ko ang plano mula kay Asche.

Pakiramdam ko non, kapag nakakarinig ako ng ganitong scenario, parang cool, astig, madali lang, pero hindi. Kinakabahan ako, natatakot ako ngayon.

Kahit na hindi ko gaanong maintindihan ang mga nangyayari, gusto kong tumulong dahil nasa loob si Ariia. Kaibigan ko rin siya.

Nang pang apat na pag daan na namin sa tapat ng bahay ay napansin na kami ng isang gwardya. Kinatok nito ang bintana ko kaya naman ibinaba ko ito at pilit na gumagalaw ng normal.

"Anong ginagawa niyo dito? Kanina pa kayo pabalik balik ah" malalim ang boses nito. Nakakatakot ang mga tingin niya.

F*** it! Kung hindi lang masisira ang plano kanina pa kita sinagasaang hayop ka!

"Ah... Naliligaw po kasi kami, sa-.."

"Umalis na kayo dito. Nakakairita. Mga kabataan nga naman" sabi nito kaya naman tumango nalang ako at dahan dahang pinaandar paalis sa harap nila ang sasakyan.

"That's it? Wala na tayong gagawin?" Rinig ko ang pagkairita ni Hailey

Ano bang gusto nilang gawin? Hindi ba sila natatakot? Kanina si Kierra, ngayon si Hailey. Anong meron sa mga babaeng ‘to? Masyado silang matatapang!

"Wala tayong gagawin tulad ng sabi ni Asche" kahit na may hindi pag sangayon sa boses ni Saji ay minabuti nitong piliin ang pag sunod sa sinabi ni Asche dahil para sa kaligtasan iyon ng lahat.

"Damn it! I can't just sit here! Para saan pang tinuruan niya akong makipag laban kung hindi ko naman gagamitin?!" Binuksan ni Kierra ang pinto at akmang lalabas na. Mabuti nalang at napigilan ito ni Brynn

"Kierra wag! Armado sila, mahihirapan tayo. Baka mapahamak lang tayo" pag pigil nito.

"Mas mapapahamak sila sa loob kung hindi tayo gagalaw! " kinakabahan na ako dahil kita sa mukha ni Kierra na hindi na ito papipigil.

"Papatayin kami ni Asche Kierra! Bumalik ka rito!" Sigaw ni Zayd nang tumakbo palabas si Kierra.

"Tsk. Tulad ng dati, mahilig parin siyang sumugod ng walang plano" pag iling ni Bryon at sumunod ng lumabas.

What the f***?! Anong gagawin namin?! Makikipaglaban sa mga taong may baril na iyon?! Tapos ano? Anong susunod?!

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon