4th: Stain

807 27 0
                                    

"Miss Ferrer, are you with us?" Agad akong nag balik sa realidad nang matahimik ang lahat at boses lang ng teacher ko ang bumalot sa paligid at pangalan ko pa ang nabanggit.

"Ahm... Y-yes sir" medyo kinakabahang sagot ko rito.

Napahinga nalang ang teacher ko ng malalim at bahagyang napailing sa akin.

Ugh! I can't stop thinking about Nathan and that girl! Sino ba kasi ang babaeng 'yon?!

Umayos ako ng upo at tumingin na sa board na kanina lang ay blangko at malinis pero ngayon ay halos makalahati na ang nasusulatan dahil sa paglelecture ng guro. Ang daming arrow at figures. Hindi ko na masundan ang nakasulat sa board, ganon na rin ang pagsasalita ng guro sa harap.

Kahit anong inis at pagkairita ko ay pilit ko paring iniintindi ang mga nasaharap at mga sinasabi ng teacher ko.

"Day dreaming?" Kunot noong bulong ni Aeco sa tabi ko.

"Shh. Hindi no" irap ko rito bago yumuko sa notebook ko para sana mag sulat pero nang magsusulat na dapat ako ay bumungad sa akin ang isang page ng notebook ko na puno ng sulat.

K-kanina pa ba ako wala sa sarili? Halos mashade ko na ang isang buong page ng notebook ko.

Muli akong lumingon kay Aeco para sana tignan ang reaksyon niya sa notebook ko pero mukhang hindi niya ito nakita dahil paglingon ko ay nakayuko na ito.

Bakit ako lang ang napansin ni sir? Eh kanina pa ata natutulog itong katabi ko rito.

Tsk, favoritism! Mahal na mahal niya mga lalaki eh?

Napairap nalang ako sa hangin at mabilis na pinunit ang pahinang hindi na masulatan pa.

"Ano palang nangyari sayo kanina? Bakit bigla kang umalis?" Rinig kong tanong ni Aeco nang saktong macrumple ko ang papel gamit ang isa kong kamay.

Hindi ko muna siya agad na sinagot dahil napansin ko ang pag sulyap sulyap ng guro sa gawi namin.

Tsk. Bakit ba kasi nasa tabi ko si Aeco? Napagdidiskitahan tuloy ako dito.

Nang muling tumalikod ang guro ay tsaka ko lang napagtuunan ng pansin ang tanong ni Aeco.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang nakita ko kanina.

Who is he with? And why didn't he look for us?

"Hoy! Ariia! Ano?" mahina ngnit tila nakasigaw na tanong nito habang pinagtataasan pa ako ng isang kilay.

"Tsk. Wala. " irap ko rito at itinuon muli ang tingin sa harap para mag iwas ng tingin rito.

"Tss. Wala raw. Aalis alis ka, ayan tuloy, di mo nakilala si Melissa" sambit nito na may pa-iling iling pa.

Mabilis ko itong nilingon nang magbanggit siya ng pangalan ng babae pero hindi na ito nakatingin sa akin.

"Sino?" Kunot noo at puno ng pag tataka kong tanong rito at pilit na tinatawag ang atensyon niya sa pag yugyog sa balikat niya.

"Tss. Wala. Bye bye" nakatawa itong tumayo at mabilis na umalis bago ko pa man mapasundan ang tanong ko sa kaniya.

"Hoy! Bumalik ka rito!" Sigaw ko rito kahit na nakalabas na ito ng pinto.

Tsk. Wala talagang maaasahan sa lalaking iyon!

Ilang saglit lang ay naayos ko na rin ang gamit ko at sunod na rin akong lumabas ng classroom.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon