Dalawang araw na mula nang umalis kami sa Baler. Napaaga ang pag uwi namin dahil sa pangangambang baka gumawa ng masamang kung ano si Xeya lalo na't nasa malayo kaming lahat.
Sa dalawang araw na lumipas ay hindi ako umalis ng bahay. Minabuti kong bantayan si Mama at Casteen. Wala pa naman akong balak ipaalam kay Mama ang lahat kaya paniguradong hindi siya handa sa kung anong gawin sakaniya ni Xeya.
Minsan minsan naman ay nag pupunta dito si Kierra kasama si tita Lucy na abala sa pag aasikaso sa mga papeles ng school na sa susunod na taon ay siya na talaga ang magiging punong abala.
Sa dalawang araw na lumipas ay si Kierra lang ang nakakausap ko ng personal sa mga kaibigan ko, ang karamihan kasi sa kanila ay nasa probinsya para bisitahin ang mga yumaong kamaganak. Pero napag usapang ngayong araw na sila babalik dahil sabay sabay rin kaming bibisita sa mga pumanaw naming kaibigan.
Kahit na hindi gaanong komportable ang pakiramdam ko kapag nakukumpleto kami, pinipilit kong pakisamahan ang lahat dahil hindi ko naman kilala kung sino ang tunay at kung sino ang nag papanggap.
Hanggang ngayon ay walang nangyayari sa imbestigasyon ko. Kahit na sa mga ginagawang pag mamatyag ni Asche at Zayd wala ring nangyayari. Nalaman ko kay Kierra nang madulas itong masabi sakin ang ginagawa nilang pagmamatyag sa bawat isa nang makabalik kami galing Baler, pero wala silang makalap na impormasyon. Kung sino man ang taong kasabwat ni Xeya, masyado siyang malinis gumalaw.
Tungkol naman kay Xeya, wala akong naging balita rito nang tumakbo siya palayo samin noong araw na mabuko namin ang sikreto niya. Wala siyang ginagawang hakbang sa nakalipas na mga araw, dahilan kung bakit mas natatakot ako.
Posible kayang pinaghahandaan niya kami ng maigi? Damn her!
Nagising ako sa pag iisip nang marinig ko ang pag tunog ng cell phone ko. Agad ko itong inabot mula sa side table ko habang nakahiga.
*from Kierra*
Sa bahay nina Zayd, 10:00It's already 8:57.
Tumayo na ako sa higaan ko at inayos ang sarili. Ngayong araw nalang ulit ako lalabas.
Today is November 1.
**
"Ba't ba ang tagal ni Aeco?" Reklamo ni Saji na kanina pa patingin ytingin sa kaniyang relo
"Wala pa rin si Criexxen" rinig kong pag bibigay impormasyon ni Kendric.
Mag sasampung minuto na nang dumating ako at kasunod ko ring dumating sina Hailey, Bryon, Quen at Travis. Andito na ang lahat maliban nalang sa dalawa na dahilan ng hindi pa namin pag gayak.
"Guys, tumawag sakin si Aeco, he's already there." Pag bibigay alam samin ni Zayd na kabababa lang mula sa kwarto niya.
"Hindi makakapunta si Criexxen, he's with his family, hindi pinayagang bumalik ng parents niya today" pag papakita ni Kendric sa screen ng kaniyang cell phone kahit pa man malayo ang iba sa kaniya para hindi malinaw na mabasa ang eksaktong nakalagay sa mensahe nito.
"Nah, wala na pala tayong hinihintay eh" medyo iritang sambit ni Rancor na nandito rin pala ngayon.
Hindi na kami nag sayang pa muli ng oras at dumiretso na sa sementeryo para bisitahin ang mga yumaong kaibigan namin.
Mabilis naming narating kung saan nakalibing si Raven. Hindi gaanong masyadong maraming tao ngayong mga oras na ito dahil tangahali na rin at mataas na ang araw.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Misteri / ThrillerEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...