19th: Indoor Tent

568 25 0
                                    

Nag lalakad ako papuntang Inamorata building. Hindi ko alam kung bakit mabilis dumilim ngayon, 5:14 palang naman pero wala nang sinag ng araw.

"Ariia!" Rinig kong pagtawag ni Angel mula sa likod ko kaya naman tumigil ako sa pag lalakad para mahintay siya

"What happened there? Ayos ka lang ba?" Tanong nito sakin nang makalapit siya at alala akong tinignan.

"Yeah, of course. Dumating nga rin si Criexxen and Nathan don eh" I shrugged.

I still can't believe he really locked himself there. Just to look out for me.

"Oh... Oo nga, pinapunta rin ni Asche ang dalawa don dahil sa gulong sinimulan nila sa cafeteria." Mabilis ko itong tinignan

Gulo?

"What? Anong nangyari?" Puno ng pag tataka at pag aalalang tanong ko

He didn't tell me exactly what happened. We're together for literally the whole day but he didn't tell me anything.

"H-hindi ba nila nasabi sayo?" Magkahalong taka at kaba naman ang rinig ko sa boses niya.

Tanging pag iling lang ang sagot ko rito na lalo niyang ikinakaba.

"It's because of-.."

"A-Ariia! " Malakas na pagtawag naman ng isang boses mula sa likod dahilan para mapahinto kami ni Angel sa paglalakad.

"Criexxen, anong ginagawa mo rito?" Lampas na kami sa Escorts building kaya naman nagtataka ako kung bakit kailangan pa nitong puntahan kami.

"S-sige Ariia, mauna na ako" hindi na nag hintay ng sasabihin ko si Angel at umalis na

"What is it?" Tanong ko kay Criexxen

"C-can... " hindi nito alam kung saan siya titingin dahil panay ang iwas nito sa tingin kong pilit na hiuhuli ang kaniya.

"What?" Takang tanong ko rito.

Ano ba talagang gusto niya?

"You know... C-can I... " hindi ito mapakali sa kaniyang kinatatayuan

"Can you what?" I chuckled as I watch him stutter.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa ikinikilos nito o maaasar ako dahil pinapatagal niya pa at hindi niya nalang diretsuhin.

"Can I go out on a date with you" nakatungong tanong nito at pasilip silip na tinitignan ang reaction ko.

D-date?

"A-ano?" Puno ng gulat na tanong ko nang tuluyan kong maproseso ang sinabi nito.

What's that date for? S-seryoso ba siya?

"Halika na nga, biro lang" umakbay ito sakin at hinila ako pabalik sa field

Now, where is he taking me?!

" I was just going to ask you to come with me and let's eat dinner. Feel na feel mo naman yung date eh" tawa nito sa akin habang patuloy lang akong hinihila.

Habang ako naman ay wala nang nagawa kundi ang magpatangay at patuloy lang na maweirdohan sa mga ikinikilos niya.

"A-anong feel na feel? Ang kapal mo rin talaga eh no" batok ko rito at pilit siyang itinulak palayo

"Aray naman! Bat ba ang hilig mo 'kong sinasaktan?" Tumatawa nitong sabi at mabilis na nakabalik sa pagkakaakbay sakin.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon