5th: Meeting

738 25 0
                                    


Pagkapasok ko sa dorm ay inabutan kong nanunuod ng tv sina Kierra, Hailey at Angel, wala naman si Brynn dito pero panigurado ay kausap niya lang ang kapatid niyang si Rancor kung saan.

Inilapag ko ang mga dala ko sa isang upuan at umupo rin sa tabi nila

"Do you think I will be elected as the Inamorata?" Kita sa mukha ni Hailey ang kaba ng mag tanong ito sa amin.

Angel shrugged her shoulders as she gave Hailey a faint smile because of not having any clue and Kierra simply smiled.

" you deserve to be" sagot ko rito na ikinangiti niya ng malaki.

Bukas pa namin malalaman ang bagong set ng students council. Sana naman ay walang hindi panalo sa party list namin. We know we can work together kung kami kami rin ang magkakasama. And I do believe that us being the councils will be the best for the Academy. We are the ones who knew the whole and true story of this school.

Itinuon ko ang tingin ko sa tv habang nakasandal ang ulo sa pader at halos mahiga na sa upuan.

I feel really tired.

Saglit na nawala ang katahimikan nang pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok mula rito si Brynn. Mukhang wala nanaman siya sa mood, malamang ay gawa nanaman ito ni Rancor. Diretso ang pag upo nito sa isang upuan kung saan ko inilapag ang mga kagamitan ko at mukhang hindi nito napansin ang mga kagamitan kong nakalagay roon.

Mabilis itong napatayo nang mapansin niya ang mga naupuan niya. Umayos naman ako ng upo at pinanuod ko lamang ito habang abala siya sa pag lilipat ng gamit ko nang maiangat niya ang isang puting polo.

Oh no!

"Who's uniform is this?" Mukhang nandidiri nitong itinaas ang unipormeng may mantsa ng soda at spaghetti dahilan para mabaling sa kaniya ang tingin ng lahat ng kasama namin dito sa loob.

Mabilis akong napatayo para kunin 'yon sa kaniya at itago iyon sa likod ko.

"It's nothing. Don't mind it" I awkwardly smiled.

Why didn't I bring this thing to the washer earlier?!

Unti-unti akong nag lakad paatras ngunit nang malapit na ako sa pinto ng kwarto ay naramdaman ko ang paghablot ng kung sino sa hawak kong damit.

Mabilis na tumakbo palayo sa akin si Hailey habang hawak-hawak nito ang maduming damit. Nang makalayo ito ay itinaas niya ito kasabay ng pag buklat niya dahilan para makita ang kabuuang itsura nito at pinagmasdan.

"Bakit ka may uniform ng boys? And it's dirty. Kelan ka pa pinaglaba ni Nathan ng madumi niyang damit?" Maarte itong nakatingin lang sa damit dahilan para hindi niya mapansin ang paglapit ko.

"Hailey!" Sigaw ni Brynn upang balaan sana si Hailey pero mabilis akong nakahanap ng tyempo at mabilis ko ring hinablot pabalik ang damit na hawak nito.

"It's not his uniform" iling ko at mabilis na naglakad muli palapit sa pinto ng kwarto.

Damn! I don't even know who's uniform this is.

"Hah? Eh kanino? Kay Kendric ba yan? Baliw talaga 'yon" natatawang iling naman ni Kierra.

Ugh! Pano ba to?!

"I-it's not Kendric's too" pilit akong ngumiti sa kanila.

Nakakunot noo na ang tatlo sa akin habang si Angel naman ay tila walang kaalam alam sa nangyayari.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon