EPILOGUE

885 26 7
                                    

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin lahat ng nangyari sa kanila. Tuwing naaalala ko ang mga nangyari kagabi ay nanghihina ako, nanlulumo na hindi ko na muling makikita pa ang ngiting iyon. Ngiti ng isang tunay na kaibigan.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga inihabilin nito.

"Ma, " pag tawag ko sa atensyon ni Ma na siyang kasama ko ngayon at nag babantay sakin dito sa private room ng isang ospital.

"Yes? What is it? May masakit ba sayo?" Alalang tanong nito na mabilis inilapat ang kaniyang kamay sa aking noo.

"Ang sakit Ma, " hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha ko dahil naaalala ko siya, ang mga huling sinabi niya, at ang kwento niya.

Hindi nagsalita si Mama dahil malamang ay alam niyang hindi pisikal na sakit ang tinutukoy ko.

"Ma, d-did you know that your husband, is a hero?" Muli kong pagsasalita.

Napaseryoso ang mukha nito. Namumuo na rin ang kaniyang luha lalo na nang marinig niyang tungkol sa kaniyang yumaong asawa ang sinasabi ko.

"Ma, that day when that terrible incident happened, your husband saved a persons life. Ma, he saved Angel, Jun Almonte's daughter. Angel lived because of your husband, and she was so thankful because of that" Hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pag hagulhol.

Bakas sa mukha ni Mama ang gulat at saya dahil sa nalaman niya. Tanging ang impit niyang pag iyak an naging tugon sa sinabi ko.

“He saved her and chose to die with his own daughter…” Dahil doon ay napayakap sa akin si Mama.

She now knew everything. The main reason why her family died. It’s because they have to save an angel, Angel…

"If only Jun knew that her lovely daughter didn't die, wala ni isa rito ang nangyari. Naaawa ako sa kanila, dahil hindi sila pinag bigyan ng tadhana na mag kita noong nabubuhay pa sila. But I'm thankful, dahil namatay ang asawa ko para sa tamang tao. " mom smiled at me then hugged me.

*knock*knock*

Mabilis kaming nag ayos ni Mama ng sarili sa isang katok na agad namang pinagbuksan ni Mama ng pinto...

Sunod sunod na pumasok ang mga kaibigan ko na mas ayos na ang mga itsura ngayon kumpara kagabi. Puno ng benda ang mukha at mga katawan nila. Bakas ang antok at pagod sa mga mukha pero nagagawa paring ngumiti.

Tahimik kaming lahat at nagpapakiramdaman lang. Hindi parin makapaniwalang nalagpasan nanaman namin ang isang malaking pag subok. Nalagpasan nanaman namin si kamatayan.

"Maiwan ko muna kayo, alam niyo na, maraming aayusin sa academy ngayon" natawa nalang kami ng mahina dahil sa may halong problemado sa boses ni Mama bago ito tuluyang lumabas.

"Last night was unbelievable" iling ni Zayd at isinandal ang ulo sa pader.

"I thought it would be our end " ngisi ni Rancor.

Totoo nga't hindi kapanipaniwala ang nangyari samin kagabi. Parang kanina lang nang naririnig ko ang tunog ng bombang maaaring sumabog sa ilalim ko, pero ngayon, andito na ako sa ospital para muling magpagaling at magpalakas.

"Criexxen, baka may gusto kang sabihin" muli kaming natahimik lahat nang mabaling lahat ng tingin sa tahimik na si Criexxen.

Naiintindihan ko siya. Hindi niya agad agad na matatanggap ang pagkawala ng kaibigan. Ako na kakakilala lang kay Angel ay nahihirapan, pano pa kaya siya.

"I knew Shell for a long time. " panimula nito.

Napansin ko ang inis sa mukha ni Quen pero pinigilan ito ni Nathan sa pananalita.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon