54th: The Mendez's

477 20 0
                                    

Ilang oras palang kami sa byahe ay bored na bored na ako. Ayoko namang matulog dahil kawawa naman itong si Nadal pag tinulugan ko pa.

Six hours rin ang byahe namin papuntang Baler, Aurora. Nakakhiya naman kay Nadal na nag piprisinta lang sa pag tulong sakin tapos tutulugan ko lang.

"Hey, you can sleep if you want to" he smiled as if he just read th e thoughts I have in mind.

Hay nako... Ayan na nga at nahahalata niya na pinipigil ko ang matulog.

"Di ako inaantok eh.. " I shrugged as I lied

"Talaga lang ha? Oh well, kung gusto mo kumain may chips jan sa likod" sambit nito na mabilis ko namang ikinalingon sa likod kung saan nakalagay ang ilang bag na dala nito.

"Wow naman! Ready na ready ah! Asan? " tanong ko rito habang hinahalungkat ang mga gamit namin.

"Hanapin mo jan. Meron yan" at hindi na nga ako nag papigil at pumunta na ako sa likod upang maghalungkat sa mga gamit nito.

"Ang dami naman neto." May halong gulat kong sambit ng makita ang mga dala nitong chichirya.

Isang bag ang naglalaman ng mgaiba't ibang pagkain. May tubig rin dito at juice.

Hindi naman ako nasabihan na handang handa pala itong mag travel.

"Naman! Alam kong matakaw ka eh!" Pag tawa nito.

"Ewan ko sayo" sagot ko naman rito at bumalik na sa passenger seat.

Mabuti nalang at dumating 'tong lalaking to. Mas madali ang mga nangyayari dahil sa kaniya.

*fast forward*

"Malayo pa ba?" Reklamo ko Nadal na halatang bagot na bagot na rin sa pag dadrive.

Siguro ay mahigit 20 beses ko na rin iyang itinatanong sa kaniya matapos kong makakita ng malawak na katubigan kanina.

Hindi ba marunong mag stop over ang mga to? Hindi sila nag lunch, at wala manlang nag cr cr. Mukuhang handang handa sila sa trip nilang to ah.

"I don't know. I feel like I'm driving for years now" may halong pagod sa boses nito.

Pagod na ako kakanguya ng chips. Gutom na gutom na ako. Gusto ko na ng totoong pagkain. Hindi man lang sila nag stop over!

"Oh look!" Turo ni Nadal sa bintana ko

Matapos ang mahabang daan na walang makita kundi harang lang ng malalaking bato na tinubuan ng kung ano anong halaman ay nakakita nanaman ako ng dagat hindi kalayuan sa kalsada kung nasaan kami.

"I think we're near" muling bumalik sa boses ni Nadal ang excitement nang makita kong ibinaba niya rin ang kaniyang bintana.

Ilang saglit ang nakalipas ay nalampasan na namin ang magandang tanawin at hindi nagtagal ay mga bahay bahay na ang nadaraanan namin. Hindi tulad kanina an tanging mga halaman at kabundukan lang ang nakikita, mas marami nang tao ang nadaraanan namin. Ilang mga souvenir shop at mga kainan na may malalaking crab na nakadisplay. At ilang saglit lang ay nakita ko na ang isang malaking kulay pulang pangalan ng BALER.

"We're finally here!" Sambit nito habang itinatabi ang sasakyan tulad ng ginawa ng sasakyang sinusundan namin ng ilang oras.

We're really here. Baler.

Nag bababaan sila mula sa sasakyan sa harap at kita sa mga mukha nila kung gaano sila kagalak sa pag kuha ng mga litrato. They're taking photos, selfies, groufies on the big name of Baler.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon