11th: Nothing Changed

581 29 0
                                    


"Ariia, saan ka pupunta?" Tanong ni Criexxen nang lumihis ako ng daan habang nag lalakad kami sa field.

Hindi ko ito pinansin pero agad akong napatigil sa paglalakad nang hawakan niya ang pulsuhan ko na siya ring dahilan kung bakit ako biglang napalingon sa kaniya.

"I'm asking you" seryosong tanong nito sa mababang boses.

"Mag uusap kami ni Nathan" Diretsong sagot ko rito kasabay ng marahas kong pagbawi sa kamay ko.

Ano bang kailangan niya? Baka hinihintay na ako ni Nathan doon.

"What? Why? Anong pag uusapan niyo? Saan? Let me go with you" sunod sunod nitong tanong kasabay ng kaniyang akmang pag hakbang at akmang muling paghawak sa akin.

"Criexxen, please. Ngayon ko lang siya makakausap ng walang iistorbo sa amin. Please, don't be the other version of Melissa" iritadong sambit ko at iniwas ang kamay ko sa akmang pag abot niya nito.

"No, let's go" muli niyang pag hawak sa akin at hinila ako.

What the hell?

"Ano ba Criexxen! Ano bang kailangan mo?! Wala si Nathan o Melissa dito para umasta kang may pakialam ka sakin! Wala sila rito kaya tigilan mo muna iyang pag arte mo na parang nililigawan mo ko! Don't act as if everything is for real! Kasi nag papanggap lang naman tayo! Thank you for everything, but please Criexxen, stop acting as if you care." Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo na papuntang gymnasium.

Ano ba naman kasing pakialam niya sa desisiyon ko? Tsk. Kung balak niya mang sabihin na pag papanggap lang ang panliligaw niya sa akin, then go. I don't even think that it was a good idea.

Mabilis kong narating ang backstage hall dahil sa aking pagtakbo, pero saglit akong nadismaya ng makita kong walang kung sino sa malaking kwartong ito.

He's not yet here. I wish he saw my message. Pupunta kaya siya?

Umupo ako sa isang corner at doon naghintay. Nakatitig lang ako sa pinto at hinihintay ang pag bukas nito.

Ilang saglit lang ay dahan dahan itong bumukas, dahilan kung bakit ako napayuko.

He entered the hall and walked straight to my side. He also sat beside me, not giving any space between us.

Napakalapit niya sa akin. Ramdam ko ang kaba sa buong katawan ko.

Ugh! Why did I even place my self here? Bakit ba dito ako sa corner umupo? Wala tuloy akong ma usudan. Tsk.

Parehas kaming tahimik at nakatitig lamang sa tatlong baitang na hagdan na nasa aming harapan.

How to start? What will I say? Ako ang nag tawag sa kaniya para mag usap kami pero hindi ko kayang simulan. As long as I want to just stay here with him, I can't. Hindi namin pwedeng takasan ang realidad na hindi maaayos ang kung ano mang nagulo dahil lang sa pag upo namin dito. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya-...

"Is it true? Is Criexxen courting you? Ano bang meron sa inyo?" He didn't move, but he spoke.

Lalo akong natahimik sa aking pag kakaupo nang mag tanong siya.

I wanted a talk with you but not about stupid stuffs! Naniwala ba talaga siya sa bagay na iyon? Tsk.

"Are you happy with him? Do you think about answering him? Sabihan mo lang ako kung sinaktan ka niya, at ako ang mananakit sa kaniya para say-..."

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon