58th: Night life

534 27 0
                                    


Kakatapos naming mag dinner ni Nadal nang mapadpad kami sa likurang bahagi ng hotel kung saan may isang infinity pool kung saan nagkakasiyahan ang isang grupo. Sa palagay ko ay isang pamilya sila.

Nagtatawanan at kantahan ang mga tao samantalang kami ni Nadal ay nag paplano pa kung saan kami pupunta ngayong gabi o kung lalabas pa ba kami.

Wala akong narinig mula kay Kierra kaya sa tingin ko ay mananatili nalang sila sa mansion ni Saji.

Magtatanong palang sana ako kay Nadal kung anong balak niyang gawin ngayong gabi ay inunahan niya na ako sa pag hila niya sakin palabas ng hotel.

At pagkalabas na pagkalabas namin sa malaking gate dito sa likuran ay nakita ko ang pinanggagalingan ng tunog ng mga alon. Ang dagat na payapa na at hindi na tulad kaninang umaga na puno ng mga turista.

"Where are we going?" Tanong ko kay Nadal na tuloy tuloy lang sa paglalakad at paghila sa akin papunta kung saan

"You'll see" He smiled as if he's someone great. Tss. Yabang.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong kubo na pinanggagalingan ng maliliwanag na ilaw at malakas na tugtog.

Sa tingin ko ay alam ko na ang gustong gawin ni Nadal ngayong gabi.

Nag sisiyahan ang mga tao dito kasabay sa tugtog mula sa live band sa stage. Nagsasayawan, kantahan, at inuman na animoy magkakakilala silang lahat.

"Wow! How'd you know this place?" Tanong ko rito na nakisabay na sa pakikipaghiyawan sa mga taong sumasayaw nang mapadaan kami sa gitna ng mga tao.

"I searched it" ngiti naman nito at hinila ako sa gitna ng dance floor para pumarty.

The usual hype thing at a bar. Puro talon, sigaw, at kantahan kahit wala sa tamang tono.

May mangilan ngilang estranghero akong nangingitian ng wala sa oras pero ayos lang dahil wala namang nag tangkang gumawa ng kahit na ano na makakasira sa kasiyahan ng lahat.

I've never done this for a long time, and I'm not expecting to do this now.

"That's tiring, but fun" tawang sambit habang inaalalayan ako ni Nadal maglakad papunta sa counter para magpahinga nang matapos ang dalawang kanta.

"I know" he smiled "wait for me here. I'll just go check for something" bulong nito sakin at umalis na.

Sinununod ko naman ito at nanatili lang ako dito.

Hindi nagtagal nang isang bartender ang tumayo sa harap ko habang abala sa pag gawa ng isang inumin para sa isang customer na nakaupo hindi kalayuan sa kinauupuan ko.

"What can I get you Ma'am?" Biglang tanong nito na pilit kong nginitian.

"Nothing. I'm good" Sagot ko rito kasabay ng pag iling ko.

Drinking right now is not a great idea. I don't know their plans for tomorrow so I should stay sober as much as possible.

Tumango ito tsaka tumalikod ngunit wala pang isang segundo ay muli lang rin itong humarap sa akin sabay abot ng isang baso.

"Here. Water for the beautiful guest" He smiled as he offered a glass of iced water.

The hospitality of Filipinos is not just words.

I smiled at him and thank him as I took a sip. Malimit itong ngumiti at pinuntahan na ang isang grupo na naupo sa harap ng counter tulad ko at sila naman ang inasikaso.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon