Maaga akong nagising dahil sa di malamang dahilan. Wala pang araw ay gising na ako at napagdesisyonan na mag jogging nalang sa tabi ng dagat mag isa.
Sa lahat ng lugar na pinuntahan kahapon ay hindi nakalimutan ni Kierra na sabihan ako kahit na ni isang beses ay hindi ko siya nagawang replyan. Ang problema lang ay hindi niya binanggit sa akin ang mga nangyari sa kanila ni Saji. Siguro ay iniiwasan niya lang na mag alala pa ako.
Ano na kayang naging kalagayan nila sa mansyon. Hindi ko magawang pigilan si Xeya sa mga galaw niya. Hindi ko magawang lumapit.
Kailangan sigurong may makaalam na nito. Pero sinong sasabihan ko na buo pa ang tiwala sakin? Tsk.
Madadaanan ko muli ang mahabang pader na siyang nakapalibot sa mansyon nina Saji habang ako'y tumatakbo pabalik sa hotel.
Maaga pa naman kaya wala pa naman siguro silang balak lumabas ng bahay.
Napatigil ako sa pag takbo nang mag vibrate ang cell phone ko sa aking bulsa na ikinatigil ko muna para basahin ang inaasahan kong mensahe ni Kierra.
Message from Kierra*
Hi Ariia, have you seen where we went yesterday? Alam mo pag naayos na ang lahat, hindi ko talaga papalampasin na dalhin ka dito. This place is awesome and you should see this. Any way, were going to Sabang beach today. Actually sa mismong tapat lang namin iyon. Hope you reply this time:)Hayyyy. Kung alam mo lang na nandito rin ako at nakasama ako sa tour kahapon.
"Tara na guys!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa di kalayuan sa aking likuran.
Dahan dahan akong lumingon at...
Isa isa kong nakitang nag tatakbuhan ang mga kalalakihan kong kaibigan papunta sa dagat.
What?! But it's too early!
Masaya silang nag tulakan at basaan sa tubig habang ang mga babae naman ay nag lalakad lang sa kanila palapit suot ang kanilang mga two piece maliban kay Kierra na nakasuot ng maong shorts at fitted topper.
Siguro ay hindi ito maliligo sa dagat dahil sa sugat nito sa paa na gawa ni Xeya. Tsk.
Mabuti nalang at nakalampas na ako sa gate ng mansyon. Malabong makikita nila ako. Mabuti na ring nakita ko sila dahil alam ko na agad kung saan ko sila hahanapin.
Minabuti ko munang bumalik sa hotel para sabihan si Nadal. Paniguradong matutuwa nanaman ito sa ibabalita ko na dito lang sila sa dagat ngayon.
Papalapit palang ako sa balcony ng hotel ay nakita ko na si Nadal na abala sa pangangalikot sa cellphone niya.
"Where have you been?" Napatayong tanong ni Nadal na naghihintay sakin sa isang beach chair.
"I went out for a jog, why?" Sagot ko naman rito kasabay ng pag tanggal ng aking headset.
"Nothing. Next time tell me okay? Alam mo bang gusto ko ng wasakin ang pinto mo kanina nang hindi ka sumasagot. Mabuti nalang at nasabi sakin ng staff na maaga kang lumabas at mukha ka raw mag jojogging" mahabang paliwanag nito.
"Mabuti at hindi mo winasak ang pinto ko" pag tawa ko rito "any way, tara na let's have breakfast" hinila ko ito sa dining sa lobby.
"So, anong plano nila ngayong umaga?" Tanong nito habang nakatingin sa kaniyang menu.
"I don't know, pero by this time, nasa beach lang sila. Nag eenjoy" I shrugged as I ordered vegetable tuna sandwich and cucumber juice
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Misterio / SuspensoEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...