"Ang bagal mo naman eh! Ako na kasi dyan! " pangungulit ko kay Criexxen habang nag dadrive ito pabalik ng bar.
Actually, hindi naman gaano mabagal. Tama lang talaga ang bilis ng pagpapatakbo niya tulad ng normal na nilalang. Gusto ko lang siyang bw*s*tin dahil sa ginawa niya sakin kanina.
Halos dalawang oras rin kami sa ice cream house na 'yon dahil sa sobrang tagal kong inubos ang ice cream na binili niya sakin at bumili pa ako ng bagong set ng flavors para tanggalin ang lasa ng unang ice creams na kinain ko.
Argh! hanggang ngayon meron parin!
"Shhh.. Tahimik. Wag ka munang mag salita, kumakalat yung amoy ng hininga mo sa kotse ko eh" pang aasar nito.
Agad ko naman itong tinignan ng masama na ikinatawa niya.
It's not that bad! And if it is, it's his fault!
Tumahimik nalang ako tulad ng sinabi nito at nag hintay na marating namin ang bar.
"Let's go!" Hinila ako nito papasok. Hindi na rin namin inabala pa ang mga sarili namin sa pag pila dahil kilala ni Criexxen ang may ari ng bar na ito.
Hindi pa ganon karami ang tao dito sa loob. Mag si-six thirty palang kasi kaya siguro nag daratingan palang ang mga tao.
"One Margarita please. " sambit ko pagkaupong pagkaupo ko palang sa harap ng counter.
After a lot of ice cream, I'm gonna drink something hard. Yes, I wanted to end my life. I'm that miserable. Ugh!
"Margarita? That's too much. Give her the lightest please " sambit nito sa bartender na agad namang nag alangan kung sino ang susundin sa amin ni Criexxen
"What? Hindi naman ikaw ang iinom ah" irap ko rito at pilit na ngumiti sa bartender para ako ang sundin
"Sakin ka makinig, ako ang mag babayad ng kukunin ko, one Margarita" I said with finality on my tone.
Hindi na nag salita pa si Criexxen at umalis na ang bartender.
Ano bang problema nito? Lagi nalang akong kinokontra.
Habang palalim ng palalim ang gabi ay patapang naman ng patapang ang inoorder kong inumin. Napunta ako sa pag inom ng tequila, beer, gin, at kung ano ano pang alak.
Nakakahilo ng sobra, ang sakit sa sikmura, at sobrang nakakasuka. Pero hindi ako natigil ng mga karamdamang ito sa pagpapatuloy sa pag inom at pag-aaliw ng sarili ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ni Criexxen nang biglang mag ring ang cell phone niya. Hindi ko naman nakita kung sino ang tumawag rito dahil na rin sa pag galaw ng paningin ko.
"Stay here. I'll be back" at wala pang isang saglit ay nag lakad ito palabas ng bar para sagutin ang tawag na 'yon.
Importante kaya 'yon? Kailangan niya pa talaga akong iwan ha? Sino kaya yon? Girlfriend niya kaya? May girlfriend kaya siya? Diba gusto niya ako? Pano kung gusto niya nga ako pero may girlfriend siya? Hay! Ang gulo! Sumasakit ang ulo ko lalo!
Napahawak ako sa pag kirot ng ulo ko kasabay pa ng pag yanig ng paningin ko.
It has been a long time since I last experienced this.
Noong unang beses na nag inom kami ng sobra sa bahay nina Zayd dahil takot kaming pumunta sa bar dahil karamihan sa amin ay minors. Sa bahay nina Zayd kami nag walwal.
Living your life without the law was easy, but imagining that with one wrong act we do, we have to deal with legal matters. We just thought that it won't be that easy for us, especially that we are being observed by the media.
BINABASA MO ANG
Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]
Gizem / GerilimEveryone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts that were once filled with anger, loneliness, hatred, envy, misery, and was unloved are finally healed. Everyone found the love that they hun...