36th: Gianielle's Party

474 19 0
                                    

Kahit hindi sigurado ay pinili ko paring pumunta sa birthday ng nakababatang kapatid ni Travis. At hindi ako siguro kung itutuloy ko pa ba ang paglapit ko sa mga kaibigan ko dahil sa nangyari kahapon sa pagkikita namin ni Brynn.

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari kay Brynn dahil sa paghingi ko ng tulong sa kaniya.

Kahit sobrang gulo ng utak ko, nagagawa ko paring makisama ng normal kay Criexxen sa kabila ng lahat ng sinabi sa akin ni Melissa dahil hanggang ngayon naman ay hindi ko parin kilala kung sino talaga ang gustong pumatay sakin.

Nakakatakot mang isipin na nasa panganib ang buhay ko at sa isang iglap ay maaaring hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan dahil isa sa mga taong malapit sa akin ang nasalikod ng lahat, pero hindi pa ba ako nasanay?

Nabuhay ako kasama si kamatayan sa tabi ko simula't sapul. Hindi na normal sakin to. Pero hindi ko maiwasang matakot.

"Ano? Tara na?" Tanong ni Kendric sa tabi ko dala dala ang munting regalo nito

Tumango ako rito at lumabas na ng bahay kung saan nila ako sinundo ni Criexxen kasama si Xeya. Nag hihintay ang dalawa sa sasakyan ni Creixxen sa labas.

"Wag na wag kang hihiwalay samin." Paalala ni Kendric sakin pagkasakay namin.

Tumango nalang ako bilang sagot at pilit na ngumiti sa kanila.

Kahit na mag tago pa ako sa likod niyong tatlo, alam nating lahat kung gano kalaki ang galit sakin ni Quen, at paniguradong hindi rin maiiwasang magkaroon ng sama ng loob sa akin ang iba pa.

Hindi nagtagal at narating na namin ang bahay ng mga Diaz. Maliwanag ito sa labas palang. Iba't ibang magagarang sasakyan ang bumungad samin at habang papalapit kami ng papalapit sa bukas na malaking gate ng kanilang tahanan ay mas naririnig namin ang kasiyahannsa loob.

"Let's go" pilit na ngumiti ng masigla sakin si Criexxen kasabay sa pag hawak niya sa kamay ko.

Kahit medyo naiilang ako sa ginawa niya. Pero may ilang ideya ang pumasok sa isip ko kaya hinayaan ko nalang.

"O andito na pala kayo, tara sa loob" pag aaya ni Travis nang makasalubong namin ito.

Pilit itong ngumiti sa akin. Malamang ay para iparamdam na magiging maayos ang lahat ngayong gabi.

Sumunod naman kaming pumasok sa bahay nila at hindi nagtagal ay nakita ang iba.

Malaki ang ngiti ni Kierra at kita ko rin ang pagngiti ng iba nang makita nila ang pagdating namin. Pero hindi ito nagtagal nang magkaharap kami ni Quen.

"Anong ginagawa niyan dito?" Bungad sa akin ni Quen.

Napatayo ito sa kaniyang pag kakaupo nang makita ang paglapit ko kasama ang tatlo.

"Quen, not now! " pigil sa kaniya ni Nathan at si Zayd naman ay agad siyang inilayo upang samahan muna siyang mag palamig sa labas.

Lumapit naman sina Kierra, Brynn, Hailey at Angel sakin para yumakap.

At least I'm assured now that not all of them hates me.

"I'm okay" pag papanatag ko sa loob nila.

Magsasalita na sana si Kierra nang lahat kami ay maalerto dahil sa isang matinis na sigaw.

"Kuyaaaaaa! Help me!!" Sigaw ng isang bata mula sa second floor ng kanilang bahay na ikinagulat ko pero ikinatawa lang ng ibang bisita nina Travis.

"Nakakahiya talaga ang kaingayan ng batang to. Excuse me" pag papaalam ni Travis at nag madaling umakyat.

Akala ko ay kung ano na. Dahil sa sigaw na 'yon ay nakaramdam ako ng biglaang kaba na hindi naman dapat.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon