16th: Volleyball

575 27 0
                                    

Sa saglit na minutong lumipas, kahit papano ay nakalimutan ko ang kalagayan ko. Pero hindi sapat ang minutong pagkalimot para maging maayos ang lagay ko.

Nauna nang umalis ang apat at napagdesisyonan ko na manatili. Kahit wala naman akong gagawin rito ay nag paiwan ako.

Nag lakad ako palabas ng mall at dumiretso sa isang bakanteng bench. Marami rin ang tao rito sa mini park sa gilid ng mall. Pamilya, barkada, mag jowa.

Ugh! Walang forever!

Sa pag lilibot ng tingin ay isang babae sa dulo kung asan nakatayo ang malaking puno ng acacia ang nakakuha ng atensyon ko. I can see her clearly, and it's obvious that she's sad.

I don't know but I just found myself walking towards her. ... And I'm not mistaken, she's sad. She's crying.

Do I really have to encounter crying people right now?

Mag isa lamang siya rito habang nakatingin sa kung saan. Tila malalim rin ang iniisip dahil hindi nito napansin nag paglapit ko.

"Ahm.. Hi..? " I said as I tried to approach her.

Saglit ako nitong binalingan ng tingin, binigyan ng matamlay na ngiti bago muling tumingin kung saan.

"M-may pwede ba akong maitulong sayo?" Tanong ko rito tsaka ako naupo sa tabi niya.

Mukhang kasing edad ko lang siya. Mukha naman siyang mabait.

"W-wala... I'm okay" she lied.

I was about to speak when she spoke again.

"Actually, I'm not. " and then she breaks down.

Humarap ito sakin kasabay ng pag takip niya sa kaniyang mukha at patuloy na humagulhol.

"Y-you can tell me. I'll listen" umayos ako ng upo at sumandal sa puno na ginawa niya rin naman kasabay ng pagpigil sa pag iyak.

Nilabas nito ang kaniyang cellphone at pinakita sa akin ang conversation niya kung kanino

"look" sambit nito bago siya mag type ng message

'hindi ka ba talaga pwede ngayon?'

Ang message na tinype nito.

Pareho kaming napatitig sa screen ng phone niya at hind nagtagal ay isang reply ang mas nagpaliwanag sa screen ng phone.

'hindi talaga. Sorry hon, kailangan kong tapusin 'tong requirement ko'

Napakunot noo naman ako sa nabasa ko habang siya ay napangisi lang nang mabasa niya ang message.

"What's wrong?" I immediately asked

Hindi ko makita ang problema sa message na 'yon. If it's about school, then it really is something important.

Hindi nito sinagot ang tanong ko at agad na tumayo kaya tumayo rin ako kasunod niya. Muli itong sumilip sa gilid ng puno na ginawa ko rin naman.

"That's him" she said pointing a guy with a woman beside him at a not so far bench from where we are

Wait... What?!

... Wh-What a crap.

Natahimik ako sa kinatatayuan ko. I don't know what to say.

"It's been two months. Laging ganito ang scenario. " she bitterly uttered as she stepped back and sat on the grass again.

Nanatili akong tahimik at naupo kasunod nito.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon