49th: Halloween Party

478 23 0
                                    


Maingay at marami ng tao nang marating namin ni Nadal ang gymnasium. Kung ano anong nakakatakot na costumes naman ang nakakasalubong namin habang nag hahanap kami ng pwesto kung saan kami makakapagusap ng mas maayos. Kung saan kita namina ng lahat at makakapagmatyag nang hindi kami ang pagmamatyagan.

I can see clowns, typical white ladies, zombies, draculas and many other creepy costumes. They're rocking the dance floor and moving the whole gymnasium.

Everyone is having a great time dancing and pranking their friends while I and Nadal are busy looking for our spot. Naglalakad kami sa gitna ng mga magugulong estudyante at nagkataon namang nadaanan namin ang counter kung saan nakadisplay ang mga finger foods. At para makasabay ang mga pagkain sa occasion, pati ang mga designs nito ay nakakatakot at nakakadiri.

Eye ball cup cakes, finger sticks that can be dipped to a blood like syrup, ear biscuits, bloody gummy tongues at marami pang iba.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng ganang kumain. I feel like throwing up. Yuck!

Masaya ang lahat at abala sa pag party. Sayawan sa gitna ng gymnasium kasabay ang maingay at nakakabulabog na music. Pero hindi kami nandito ni Nadal para mag saya. We're as miserable as our portrayed characters.

"Hey, want some?" Sabay pakita nito sa hawak niyang paper plate na may lamang dalawang eye ball cup cakes, at mga daliring parang nabuhusan ng malapot na dugo.

"Yuck! Ilayo mo nga sakin yan Nadal!" Reklamo ko rito habang pinapakita niya pang sarap na sarap siya sa kinakain niya.

"Arte ah! Masarap kaya. Tsaka ang artistic nga eh" pataas taas pa nito ng kilay...

"What the hell? Wear your mask! We're not here to party, you id**t!" I exclaimed. He laughed as he put down his plate and wore his mask properly

"God! If it's not my idea to help you, I will leave you in an instant! I didn't know that this Academy have such great party" Bulong nito sa akin.

SKY Academy will forever be different.

Umirap nalang ako at inilibot ang tingin sa paligid. Hanggang sa matigil ang tingin ko sa isang grupong di gaanong nag iingay sa kanilang sulok.

Ang council.

Mukha naman silang masaya. Pero hindi gaano kung ikukumpara sa mga ibang estudyante sa paligid.

Naka suot ng Harley Quin costume si Kierra habang si Asche naman ay joker. Si Zayd naman ay nakasuot ng Frankenstein costume. Si Bryon, Saji at Travis naman ang mga Zombie. Si Kendric at Aeco ang killer clowns, sina Nathan, Brynn at Quen ay nakasuot ng mga purge costumes tulad ng kay Nadal, si Hailey ay isang doll, si Angel ay isang murdered angel at sina Xeya at Melissa naman ay katulad kong white lady. Wala nanaman si Criexxen. Tsk.

May sarili silang mundo at di gaanong nakikipag saya sa iba. Mukhang walang kaalam alam na maaaring sumugod ngayong gabi ang may ginawang krimen kay Kyo.

"Nadal, " pag tawag ko sa atensyon nito.

Nang lingunin ko ito ay muli nanaman siyang abala sa kaniyang pag kain ng nakakadiring kung ano at todo effort s pagkain sa ilalim ng suot niyang maskara. Binalingan naman ako nito ng tingin at dali daling inilapag ang plato.

Ugh! He's so irritating! Too chill for this time!

"I'll go around. Watch your phone, I might have an emergency" sambit ko rito na ikinatango niya naman kaya't nag lakad na ako paalis sa pwesto namin.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon