34th: Unwelcomed

481 19 0
                                    

Lumipas ang dalawang oras ng mapagdesisyonan nila na dalhin na si Nathan sa ospital. Hindi parin bumubuti ang lagay nito di tulad kay Melissa na nawawala na ang pamumula ng ilang bahagi ng katawan niya.

Mula sa malayo ay pinapanuod ko silang isakay si Nathan sa ambulance. Hindi na ako lumapit pa dahil baka lalo lang magkagulo ulit, at paniguradong mainit pa ang ulo sakin ni Quen.

Sa paligid ay rinig ko na ang iba't ibang nabubuong kwento tungkol sa nangyari. Iba't ibang bersyon mula sa mga estudyanteng wala naman talagang alam sa mga nangyari. Kesyo ako daw ang may kasalanan, kesyo dapat si Melissa daw ang dadalhin sa hospital at hindi dapat si Nathan.

Damn it. Kung sino pa kasi ang wala naman talagang alam sa totoong nangyari, sila pa ang maraming nasasabi.

Parang kanina lang ay nasa akin ang simpatya ng lahat dahil sa nangyari kagabi, pero ilang oras lang ang lumipas ay sobrang sama nanaman ng tingin sa akin ng iba.

Napagbibintangan pa ako na kagagawan ko ang lahat ng kaguluhang naganap kagabi para magpaawa at magawa ito kay Melissa pero si Nathan ang mas napuruhan.

Sobrang galing na nilang gumawa ng kwento. Pwede na silang pamalit sa heads na gumagawa ng kwento para pagtakpan ang mga nangyari noon dito sa Academy at sa mga nangyayari ngayon. Tss.

Muli ay binabalewala ko nalang lahat ng lihim na pag sulyap, bulunga, at awa nila sakin tuwing dadaanan ko sila.

Wala lang rin naman akong mapapala sa pakikinig at ayoko namang sayangin ang oras ko sakanila. Sobrang dami nila.

"Ariia! " isang boses ang nagtawag sakin mula sa aking likuran na agad ko namang nilingon

Travis,

" hindi ka ba susunod sa hospital? Pupunta na kami, sumabay ka nalang sakin" pag aya nito sa akin.

Kita sa mga pilit at matamlay nitong ngiti ang awa sa akin.

"No, no need. Hindi nalang ako pupunta Trav, kita mo naman kung gano kagalit sakin si Quen, ayoko na ng gulo" iling ko rito at pilit ring ngumiti pabalik sa kaniya.

Walang magandang madudulot ang pag punta ko sa ospital kaya mabuting mag hintay nalang rin ako ng kakalat na balita at huhulaan kung alin sa mga balitang 'yon ang totoong nangyayari.

"So pinapatunayan mong may kasalanan ka nga? Alam mo bang may ilan sa amin na sayo naniniwala? We'll help you Ariia" sunod namang lumapit sa kinaroroonan namin si Kendric

Hindi ako nakapag salita sa sinabi nito at agad na nag iwas ng tingin.

Sa totoo lang, wala na talaga akong balak pumunta pa kung asan sila, kasi alam ko naman na makakagulo lang ako. Pero dahil sa mga sinasabi nila at binibigay nilang tingin sa akin, baka mag bago ang isip ko.

"Tara na" pag aya naman ni Bryon.

At tulad ng iniisip ko ay wala na akong nagawa nang isama ako ni Kendric sa pag lalakad niya.

Pupunta na rin ako sa ospital, pero hindi pa ako sigurado kung dapat ba akong mag paliwanag o dapat ko pa bang sabihin ang totoo.

**

Palakas ng palakas ang pag kabog ng puso ko nang makita ang room number na sinabi ng nurse na pinag tanungan namin kanina.

Palapit kami ng palapit rito. Ilang hakbang nalang ay nasa tapat na kami nito.

I don't think this is a good idea.

I was about to speak but I was stoned by the knock created by Bryon.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon